Kabanata 3

1327 Words
“Anak, ipapasok ko na itong mga gamit mo sa loob.” Nabaling ang tingin ko kay nanang. “Kung gusto mong magpahangin ay mauuna na akong kumain sa’yo. Nananakit ang katawan ko kaya kailangan kong ipahinga.” Dagdag nito na tinanguan ko naman. “Opo, nanang. Sunod lang po ako. Iwan niyo na lang po dyan iyong iba. Ako na po ang magdadala nong iba—” hindi ko natuloy ang sasabihin nang makita ko itong dala-dala na niya lahat ng bags. Anak ng tipaklong. “Nanang! Sabing ako na sa iba!” “Ayos lang, anak. Hindi naman gano’n kabigat. Parang hangin nga lang, eh.” Napangiwi ako. Kasasabi lang niya na masakit ang katawan tapos parang nagyabang pa. Minsan talaga hindi ko maintindihan si nanang. “Iwan niyo na lang po sa lamesa. Ako na po ang bahala mag-akyat niyan sa kwarto ko!” nilakasan ko ang boses nang makitang nakapasok na siya sa loob ng bahay. “Roger, anak!” kahit pagod, napahagalpak ako ng tawa sa tinugon nito. Kahit nasa loob na ito ng bahay, naririnig ko rin ang malakas nitong tawa. “Siguro natututo na siyang mag-english dahil doon sa nakakausap niyang afam sa online. Mukhang mauunahan pa ata ako ni nanang magka-boyfriend." Bumuntong hininga ako. Sa ngayon, wala akong interes sa mga lalaki unless magpapakita sa akin si Stephen. Hindi naman sa pat4y na p4tay ako sa lalaking 'yon pero parang gano'n na nga. Wala pa ring signs pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makita siya. Kahit isang beses lang, okay na ako. Puwede na akong mag-move-on sa kanya. Tungkol naman kay Janno, hindi man lang niya tinapos ang senior high at lumipad na sa California. Hindi ko alam kung anong rason niya pero simula no'ng iwasan ko siya, parang naging total stranger na lang kami. Nakakailang na rin kasi kapag nagtatagpo ang mga mata namin. That feeling na parang may something. Ang weird. Hinugot ko ang selpon sa aking dress nang maramdaman kong nag-vibrate iyon. Napamura ako nang makita ko na naman ang larawan na sinend sa akin galing sa unknown number. It was a picture of a naked guy na sinadyang i-blurred ang mukha. Hindi ko maiwasang pag-initan. Sa tantiya ko, nasa twelve inches ang haba ng alaga niya. Halatang palagi din itong nag-g-gym dahil sa built ng katawan. Ang sarap sigurong pumatong sa kanya at magpaka-cowgirl. Nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa bago nitong message. “Quits?” I mumbled to myself. Anong ibig niyang sabihin dito? Muntik na akong mahulog sa duyan nang magsend muli ito ng larawan but this time ako na iyong nasa picture. Kung anong posisyon ko ngayon ay gano’n din dito. Nakagat ko ang ibabang labi. Dahan-dahan kong nilihis ang tingin sa second-floor ng bahay na akala ko ay walang tao pero putang1na, may nakasilip ngayon. Bumalik sa akin lahat ng ginawa ko kanina, mula kwarto hanggang sa labas ng bahay. All this time, nakita na niya lahat sa akin? What a shame! Pero maganda naman ang katawan ko at may ipagmamalaki. Umikot ang mata ko. "You!" I pointed at the shadow lurking behind the curtain. "Get down here!" I yelled. Napatingin ako sa aking phone nang mag-vibrate ulit. “Shut your mouth or else I’ll spread your nud3s in your phone.” Nanlaki ang mata ko pagkabasa sa message niya. Is he threatening me? And wait, how does he know na may nud3s ako sa aking phone? Hindi kaya— “Help me…” napatingin ako sa second floor nang makarinig na parang may natumba. Sh1t! Anong nangyayari sa kanya? Is he dying? “Bring your first-aid kit.” That was his last message. Bakit kailangan pa niya ‘yon? May sugat ba siya—what the fvck! Siya ba iyong lalaki kanina sa kwarto ko? Sh1t! Sh1t! Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo papasok ng bahay. Hindi ko naabutan si nanang sa dining area at mukhang sa kwarto niya ito kumain. Siguro ay kausap na naman niya ang afam na iyon. Hinanap ko kaagad sa mga cabinet ang first-aid kit. “Nasaan na ba ‘yon? Kung kailan kailangan, eh!” nayayamot kong bulong sa sarili. “Nanang—” nahilot ko ang sentido nang makita ito sa ibabaw ng ref, bwesit. Kinuha ko agad ‘yon at kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Sandali akong natigilan nang maalala ko kung saan dadaan? Akyatin ko na lang ba ang balkonahe niya? Fvck, how? Walang anu-ano’y tinawagan ko ang number na ginamit niya. Naka-ilang ring pa iyon bago nito sagutin. “Hey, stranger, buhay ka pa? Saan ako dadaan?” I heard a groan and tsk from him. Sungit, eh? Siya na nga ‘tong tinutulungan. “Baka gusto mong dumaan sa bubong?” mahina nitong saad na ikinaikot ng mata ko. “What if hayaan na lang kita ma-deds? Ang sungit mong tinutulungan, ha!” singhal ko rito. Kinalma ko ang sarili at baka imbes na tulungan ay map4tay ko pa siya sa inis. “Kaya mo bang akyatin ang balkonahe ng second floor? Tingin ko may lahi ka namang unggoy, kaya mo na ‘yan.” Hinang-hina nitong sabi. Huminga ako ng malalim at pinalabas sa kabilang tenga ang sinabi nito. Bwesit na lalake. Mamamat4y na’t lahat-lahat pero nagagawa pa niyang mang-inis. Sa mukha kong 'to, may lahing unggoy? Hell no! “Matutulog na pala ako, bahala ka na—” “Come on, Nadine!” nilakasan nito ang boses kasunod ang pag-ubo nito. “Fvck, it hurts! Akyatin mo na lang!” pinatay nito ang tawag. Akala ba ng lalaking ito ay madaling akyatin ang balkonahe ng second floor ng bahay niya? Kung siya na-akyat niya ang sa akin, paano naman ako? Piste. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nasabunutan ko ang buhok at napa-angat ng tingin sa pagitan ng bahay—putang1na, doon ba siya dumaan? Talagang pinasadya pa niyang lagyan ng daan. There was a wooden walkway connected to my balcony. Ni hindi ko man lang napansin kanina. Mabilis kong tiningnan ang selpon ko nang magvibrate na naman ‘yon. Lumukot ang noo ko pagkabasa. “Do not, under any circumstances, go on the balcony. You could get hurt if you fall.” Pakiramdam ko naririnig ko ang boses niya. Napangisi ako. Dahil hindi ko naman alam kung saan dadaan paakyat sa bahay niya, might as well try the alternatives kesa naman sa mamam4tay siya. Pasaway na kung pasaway. Isa pa, palaisipan ko rin kung bakit parang bawal dumaan sa main door. May something ba ro’n? Saan siya dumaan? Ano bang meron sa bahay niya? Naiiling na lang akong tumakbo papasok ng bahay. Naabutan ko si nanang sa kusina na naghuhugas ng plato. “Anak—” “May gagawin lang ako nanang, mamaya na ako kakain. Good night po.” Pahabol ko habang tumatakbo paakyat ng hagdan. When I went inside my room, I immediately removed my stilettos. Nilock ko muna ang kwarto ko bago tinungo ang balkonahe. Huminga ako malalim at inakyat ang barandilya. Hangga’t hindi ako nakakatawid, hindi ako hihinga. Pagka-apak ko sa matigas na kahoy ay mabilis ko itong binagtas. Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura sa aking isipan. Wala na akong pakialam sa lamig, basta makarating lang nang hindi nahuhulog. Takot na takot ako sa heights pero kinaya ko ‘to, bwesit. “Fvck, Nadine!” wala sa sariling nayakap ko ang lalaki nang makatawid ng tagumpay. “I’ve been fvcking calling you.” Nanginginig ako pero hindi ko ‘yon pinahalata sa kanya. Lumayo ako nang maramdaman kong basing-basa ito ng—dug0, sh1t! Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ko nang i-angat ko ang tingin sa kanya ngunit gano’n na lang ang paglaki ng mata ko nang tumama ang sinag ng buwan sa kanyang mukha. “S-Stephen?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Kumunot ang noo niya. “You know me?” napangiwi ito dahil sa sugat. Sh1t! Hindi ba niya ako maalala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD