SPNJ- 1
Pauwi ng kanilang probinsiya si Jeffrey, ang driver ng pamilya Sobrevega. Sa walong taon niyang paninilbihan sa pamilya ay pangatlong bakasyon pa lamang niya ngayon.
Tubong Visayas si Jeffrey kaya naman kailangan pa niyang sumakay ng bus at barko pauwi ng kanilang probinsiya. Pwede naman siyang mag-eroplano pero dahil mahal ang pamasahe at takot sa himpapawid ay hindi talaga siya sumasakay ng eroplano tuwing uuwi sa kanila.
Matapos maubos ang sigarilyo ay pumunta ito sa banyo para umihi. Palabas na si Jeffrey ng mayroon ding isang lalaki ang nagmamadaling pumasok sa pinto na hindi man lamang tumitingin sa kanyang dinaraanan kaya naman nasagi siya nito.
“Yudipunggol ya!” Pagmumura pa ni Jeffrey.
Sa sobrang tangkad at laki ng katawan ng lalaki ay nasagi siya at muntik nang matumba. Buti at nakahawak kaagad siya sa may hamba ng pintuan kaya hindi natuloy ang pagkatumba niya. Aambahan sana niya ng suntok ang lalaki pero nang makita ang katawan nito ay pinanlakihan niya na lamang ito ng mata.
“Sorry pare!” Hinging paumanhin naman ng lalaki at biglang lumayo kay Jeffrey.
“Pwe…” kung hindi lang malaki ang katawan mo makakatikim ka talaga sa akin ng black eye at side kick. Gusto sanang idugtong ni Jeffrey pero hindi niya ginawa dahil baka siya pa ang magkaroon ng black eye kapag nagkataon.
Kahit na nagngingitngit ay bumalik na lamang siya sa kanyang inuupuan para antayin ang first trip.
Ilang minuto pang nag-antay si Jeffrey at sa wakas ay nagtawag na ang konduktor. Nauna nang pumila si Jeffrey para makapili ng magandang puwesto sa loob ng bus.
Nagulat pa si Jeffrey ng makita din ang lalaking nakabanggaan sa loob ng banyo. Hindi niya akalaing sasakay din pala ito sa kaparehong bus na sinasakyan niya.
Kahit na badtrip sa lalaki ay hindi naman niya ito magantihan dahil mas malaki ang katawan nito sa kanya kaya sa buong biyahe ay nagngingitngit si Jeffrey.
Nang sa wakas ay makarating na sila sa bus terminal sa probinsiya ay saglit na nakalimutan ni Jeffrey ang lalaking nakabangga niya sa banyo.
Dali-daling kinuha ni Jeffrey ang kanyang mga dala-dala at bumaba para makasakay ng jeep dahil pupunta pa siya ng port at tatawid ng dagat sa kabilang isla dahil doon pa siya nakatira.
Malapit na siya sa sakayan ng jeep ng may tumawag sa pangalan niya.
"Jeffrey... Jeffrey..." Napalingon naman si Jeffrey sa taong tumatawag sa kanya.
Pagbaling ay nakita niya ang matangkad na lalaki na sumagi sa kanya sa banyo.
Kunot-noo niya itong binalingan at nagtaka pa kung paano siya nitong nakilala? Hindi niya naman ito kilala lalo na at naka-facemask ito.
"Jeffrey, ako to, si Angelo--"
Sabay tanggal nito facemask kaya nanlaki ang mata ni Jeffrey ng makilala ang lalaki.
"Boss!! Oh, bakit kayo nandito-- ikaw pala 'yan!" Gulat na gulat na sabi ni Jeffrey.
"Complicated story. I need your help. Kailangan kong magtago pansamantala dahil kay Abuelo!"
“Yudipunggol ya. Boss, ikaw pala ‘yan. Akala ko kung sino na, nagkabanggaan pa tayo sa banyo tapos hindi ka naman nagpakilala sa akin. Sorry, Boss.” Hinampas-hampas pa ni Jeffrey ang braso ng lalaking nagpakilalang Angelo.
“Hindi ako nagpakilala kasi baka mahanap ako ng mga bodyguards ni Abuelo.”
"Patay tayo diyan, Boss. Ayokong madamay sa gulo ninyo ni Senyor. Kilala niyo naman kung paano magalit ang lolo ninyo." Kinakabahang sabi ni Jeffrey.
"Help me, Jeff. Kailangan ko lang talagang magtago muna. Siguro ay one to two weeks lang.. then, babalik na ako sa hasyenda. Please, Jeff. Ikaw na lang ang makakatulong sa akin."
"Eh, Boss---"
"I'll give you one hundred thousand pesos kapag nakabalik na ako ng hasyen--"
"Mabilis naman akong kausap, Boss! Ikaw pa ba. Welcome na welcome ka sa amin. Huwag kang mag-alala at hindi malalaman ni Senyor na magkasama tayo. Pero sino na ang namamahala ng kompanya ninyo sa Manila kung narito kayo? Paano niyo po nalaman na magbabakasyon ako eh hindi naman kayo nauwi ng hasyenda sa loob ng ilang taon?" takang tanong ni Jeffrey.
“I have my ways, Jeffrey. Meron naman akong maasahang tauhan na siyang naiwan para mamahala habang wala muna ako.”
“Pero, Boss, paano kayo nakakasiguro na hindi malalaman ni Senyor na doon kayo magtatago sa amin?” tanong ni Jeffrey sa binatang amo.
“Hindi naman alam ni Abuelo na we’re close. Alam kong pinapahanap na niya ako sa kanyang mga bodyguards para ibalik sa hasyenda.” Nakangising wika ni Angelo.
“Pero, Boss.. bakit ka nga pala nagtatago?” tanong ni Jeffrey.
“Abuelo wants me to marry Lindsay, remember ‘yong apo sa katapat na hasyenda.”
“Di ba, Boss, naging kayo no’n?”
“Nope. Fling fling lang kaming dalawa. She’s pretty and sexy but I don’t want to marry that b*tch. Gusto ko lamang siyang tikman noon dahil lahat ng mga kaibigan ko ay naikama na siya. Actually, ako lang ang pakipot dahil siya nga itong panay ang tsansing sa akin. So, doon ako gustong ipakasal ni Abuelo.”
“Bakit hindi na lang kayo mangibang-bansa para hindi kayo mahanap ni Senyor.”
“Not possible, maraming koneksiyon si Abuelo. Tumakas nga lang ako sa mansiyon dahil pumunta sila sa Manila kasama ang pamilya ni Lindsay.”
“Paano kayo nakatakas kay Senyor?”
“After three days ay nagkaroon ako ng pagkakataon ng umalis sina Abuelo, hindi ko alam kung saan sila pumunta. Nagtago ako sa likod ng sasakyan at nang makarating na doon sa area ay saka ako tumakas.”
Tumigil muna si Angelo bago nagpatuloy.
“Actually, palihim akong bumalik sa hasyenda kaya nalaman kong umalis ka para magbakasyon kaya dali-dali uli akong bumiyahe papunta sa bus station. Mabuti na lang at natandaan ko pa ang probinsiya ninyo kaya nagtanong-tanong ako kung saan ako pwedeng sumakay. Muntik na nga akong dumiretso sa airport kaso naalala kong hindi ka pala nag-eeroplano kaya nagbago ang isip ko.”
“Pero, Boss, okay lang ba talaga sa inyo na sa amin ka tutuloy? Alam mo namang mahirap lamang kami. Hindi malaki ang aming bahay tapos may sakit pa si Tatay kaya nga ako umuwi. Hindi masasarap ang mga---”
“Don’t worry. Kilala mo naman ako, Jeffrey. Kaya kong tumira kahit saan. Hindi porke’t mayaman kami ay hindi ko na kayang tumira sa inyo.”
“’Yan ang gusto ko sa inyo ni Senyor eh. Kahit na mayaman na kayo, hindi kayo mapagmataas.”
“Paalala ko lang ha, ‘wag na ‘wag mong sasabihin sa ibang tao na boss mo ako. Ipakilala mo lamang akong kaibigan at kasamahan bilang driver.” Paalala pa ni Angelo sa kanilang driver.
“Bakit bawal Boss na ipakilala kita?” takang tanong ni Jeffrey sa amo.
“Nag-iingat lamang. Baka may makatiktik sa akin na sumama ako sa’yo kaya mas maganda na ang nag-iingat.”
“Areglado, Boss!”
“Okay!”