PROLOGUE
SIENNA
Loving someone unrequitedly is not easy. You cannot expect romantically from that person nor you can do things that other couple can do. You need to have too much patience and understanding to work out your relationship as everything are based on your efforts. All you can do is to wait if there will be a time for your love to get reciprocated.
But how long can you endure the pain?
Does this kind of relationship really works?
Those were my realizations and the questions I asked myself while looking intently at my husband.
My eyes started to get blurry as I continued to hear his reasons.
"Sorry..." ani Ethan na lalong nakapagpatulala sa akin. For the first time in my life, nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Sa ilang taon naming magkasama, ngayon ko lang siya nakitang lumuha nang ganito. Pero nagulat man ay hindi ko magawang maawa sa kanya dahil alam kong hindi ako ang dahilan no'n.
Nasaktan akong muli nang maalala ang natuklasan kong pagtataksil niya. Tinalikuran ko siya upang hindi makita ang tila nagmamakaawa niyang mukha, animo'y nakikiusap na palayin ko na siya upang makapiling ang babaeng minamahal niya ngayon.
What the hell?!
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Hindi ko na napigilan pa ang aking luha at isa-isa na iyong pumatak sa labis na sakit na nararamdaman ko. Kinapa ko ang aking damdamin at hindi pa rin no'n maitatanggi ang pag-ibig ko para sa kanya. Kasal kami pero hindi ko maunawaan kung bakit niya ito nagagawa sa akin?
Sa muli kong pagharap sa kanya ay diretso ang aking mga tuhod sa kanyang paanan. Tanga man sa paningin ng iba o martyr pero gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko, lalo't higit sa asawa ko. Walang pagdadalawang-isip na lumuhod ako sa harapan niya at nagmakaawa.
"A-Ako na lang ulit..." Mahigpit kong yakap ang mga binti niya habang nakikiusap at walang tigil sa pag-agos ang luha. "Please, mahalin mo ulit ako. Ayusin natin kung anuman ang problema."
Gusto kong batukan ang sarili ko at sigawan. "Ang tanga-tanga mo, Sienna! Gaga ka para manatili at magmakaawa sa taong hindi ka na mahal!" gusto ko sanang isigaw sa sarili ko para magising man lang ako pero hindi ko magawa. Dahil kahit ilang beses na niya akong niloko, kahit ilang beses na niya akong sinaktan sa masasakit niyang salita, hindi ko pa rin siya magawang pakawalan.
Ganito nga yata talaga kapag may mga bagay na nag-uugnay sa inyong dalawa. Hindi mo basta-basta na lang maaaring talikuran ang mga responsibilidad na nakaatang sa balikat mo.
Pero saan nga ba ako dadalhin ng pagmamahal kong ito?
Will there be another chance for our marriage?
Will I be able to handle my unrequited love for him?
Hinila niya ako patayo at niyakap. Dama ko naman ang concern niya sa akin pero talagang kulang— malamig, dahil walang pag-ibig.
Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak. I wonder kung ako na ba 'yong pinakamalas na babae sa mundo para maranasan ang pagsubok na ito?
Sana lang, balang-araw, mahanap at matutunan ko ring mahalin at pahalagahan ang sarili ko.
At sana kapag dumating iyon, hindi mapalitan ang aking pagmamahal para sa kanya ng galit na pupuno sa aking puso. Dahil kapag nangyari iyon, ipatitikim ko sa kanya ang paghihiganting hindi niya malilimutan.