CHAPTER 5

1410 Words
NAPANGITI ako nang makita ang papalabas kong asawa sa JMT building. Kahit saang anggulo ko talaga siya tingnan, hindi maipagkakaila ang angking kaguwapuhan niya. Sapat lang ang tangkad niyang limang talampakan at walong pulgada. Hindi rin nakakasawang tingnan ang tila diyamanteng hugis ng kanyang mukha. Animo'y nangungusap naman ang kayumanggi niyang mga mata na binagayan ng tuwid na hubog at makakapal na kilay. Kaakit-akit din ang manipis niyang labi na una kong kinabaliwan. Sino nga ba ang mag-aakala na sa likod ng karismang taglay niya ay isang lalaking mapanlinlang? Hahakbang na sana ako palapit kay Ethan nang bigla akong matigilan. Kasunod niyang lumabas din sa building ang kanyang sekretarya. Tanaw na tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang pagpulupot ng braso nito sa bisig niya. Lumapad pa ang kanyang ngiti na tila tuwang-tuwang sa sinasabi ng babae. Unti-unti namang nawala ang ngiti ko dahil sa senaryong 'yon. Puta! Lantaran na ang pakikipaglandian mong higad ka! Mula sa pinagkakaparadahan ng kotse ni Ethan ay kitang-kita ko ang malandi nilang hagikhikan. Bumulong pa ang babae na sinadyang inilapit ang dibdib sa bisig ng asawa ko. Napasulyap naman si Ethan doon at bahagya pang napalunok. Gago ka talaga, Ethan! Gustong-gusto ko silang sugurin—undayan ng suntok sa mukha ang hayop kong asawa at saidin ang lahat ng buhok ng babae sa katawan sa kanyang kakatihan. Nagngalit ang aking ngipin sa pagtitimpi ng galit. Kung eskandalosa nga lang talaga akong tao, kanina ko pa nilapitan ang dalawa at nailampaso ang mukha ng malanding babaeng iyon. Kasabay nang pagsulyap nila sa kinatatayuan ko ay ang paghinto nila sa paglalakad. Pasimpleng pinalis ni Ethan ang braso ni Nixy sa bisig niya bago alanganing ngumiti sa akin habang lumalapit. Makapal nga talaga ang mukha ng malanding Nixy na iyon, dahil nakangisi pa siyang sumunod sa asawa ko na para bang ipinagmamalaki pa ang kanyang kalandian. "M-Mahal, anong ginagawa mo rito?" painosenteng tanong ni Ethan nang makarating sa kinaroroonan ko. "Ah..." pinilit kong ngumiti upang maipakita kay Nixy na hindi ako naaapektuhan sa nakita ko, "I came from the grocery store 'cause I want to cook for you tonight. You see... I feel bad for not answering your calls a while ago and I was a bit busy lately kaya gusto ko sanang bumawi," mahaba kong paliwanag sa kanya habang ipinapakita ang dala kong mga plastic bags na may lamang ingredients ng lulutuin ko. "At saka, I wanted to spend time with you since hindi ka nakauwi kagabi." "Well, I can't say no for a delicious meal," aniya sabay kindat sa akin. Kunwa'y kinilig ako upang ipakita kay Nixy ang sweetness naming mag-asawa. "Sure." Ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis habang pumupulupot sa kanyang baywang ang kaliwa kong braso. "Come on. I came here by a taxi para makasabay na ako sa'yo pauwi." Nauna na akong pumasok sa front passenger seat ng kotse niya. Pero bago ko isinara ang pinto, nagpaalam muna ako kay Nixy na may pekeng ngiti sa labi. "Bye, Nixy. Thanks for accompanying my husband. See you next time," nang-iinis kong wika rito na inismiran lang nito. Kunwari'y ngiting tagumpay kong isinarado ang pinto ng kotse. Pero pagkasarang-pagkasara no'n, kusang naglaho ang aking ngiti at matalim itong tiningnan sa side mirror. Next time, I will give you something better, b***h! "Lets go," wika ni Ethan pagkapasok sa driver seat. "So what did you buy for dinner? Are you going to cook something good?" tanong niya habang pinapaandar ang kotse. "Ah, yeah. How about your favorite sinigang?" "O, natatakam na kaagad ako kahit naiisip ko pa lang. Parang nagugutom na agad ako, a," excited niyang pahayag bago sumulyap sa akin. Kusa kong pinasingkit ang mga mata ko at pekeng ngumiti sa kanya. "Yay, I really miss your home-cooked meal!" Really? Kusang tumikwas nang palihim ang kilay ko. Paniniwalaan ko pa ba ang mga salitang lumalabas sa bibig niya? Kung gayon pala, sana naglaan man lang siya ng oras para sa akin kahit gaano pa siya ka-busy. Hanggang salita ka lang, kupal ka! Hindi ko na sinundan pa ang sinabi niya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Nagmumuni-muni na ang isip ko nang bigla akong napatingin sa cellphone niya nang mag-ring iyon. Nakalagay iyon sa wireless charger sa dashboard ng kanyang kotse, kaya naman kitang-kita ko ang tumatawag na nakarehistro sa pangalang N. Nakita ko ang pagsulyap ni Ethan doon pero hindi siya nagkainteres na sagutin 'yon. "You got a call, hindi mo ba 'to sasagutin?" anikong dinampot ang kanyang cellphone. "Ah, don't mind it. It's nothing important. One of the online seller I had a deal with," uninterested niyang tugon. Ia-accept ko sana ang tawag dahil na rin sa kuryusidad, pero nag-end call na iyon. "Why is it registered as N?" "Of course, para alam kong sa kanya 'yan. Alam mo naman kung gaano ako kahina sa memorization ng numbers." Nahihiya siyang tinapunan ako ng tipid na ngiti. "Ah, okay," pagsang-ayon ko na lang sa paliwanag niya bago ibinalik ang cellphone sa dating kinalalagyan. "Anyway, Mahal, 'wag mo sanang mamasamain, pero—napansin ko lang, a—sobrang close mo naman yata sa assistant mo?" "Ah, 'yon ba? Gano'n lang talaga si Nixy. At saka hindi lang naman sa akin, e. Pati sa iba naming katrabaho," pahapyaw niyang paliwanag. "Bakit, Mahal? Nagseselos ka ba?" nanunudyo niyang tanong sa akin. "No. Not really, but I'm just a bit uncomfortable with her, you know—being sweet with you. Alam naman kasi niya na may asawa ka. So, bakit pa siya nagpi-flirt sa'yo?" "Oh, you definitely got jealous." "I'm not." "Yes, you are," sambit niya na sinasadyang tuksuhin ako. Inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin. Maya-maya, naramdaman ko ang pagsakop ng kanang kamay niya sa palad ko. Dinala niya iyon sa kanyang labi saka ginawaran ng isang halik ang likod ng aking palad. "I miss you, Mahal. Sorry kung hindi na ako nakauwi kagabi, ah. Sobrang busy kasi talaga, e," malamlam ang tinging sambit niya. "Salamat nga pala sa ipinadala mong pamalit ko," aniyang sinenyasan ang suot na niyang damit na ipinaabot ko kay Nixy kaninang umaga. Gustong matunaw ng lahat ng galit ko na naipon sa aking dibdib dahil sa sweetness na ipinapakita niya at paniwalaan ang kanyang mga dahilan. Unti-unti na namang umiiral ang karupukan ko. "Do you have any plans this weekend? Why don't we go on a trip with Gianna? Nami-miss ko na rin kasi ang anak natin, e." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nasosobrahan naman yata sa kalambingan ang demohong na 'to ngayon? Pero, ano ba ang magagawa ko kundi sumang-ayon. Basta para sa aming anak, lahat gagawin ko. "Sure. Siguradong matutuwa siya na makasama tayo." "Okay, that's settled then." Ipinarada niya ang kotse sa garahe nang makarating kami sa aming bahay. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako, dahil salawahan pa kung gagawin nga niya iyon. Nagdiretso na ako sa kusina pagkapasok sa loob ng bahay upang makapaghanda ng dinner. Siya naman, naupo muna sa sofa at nagbukas ng TV. Sa pagitan ng aking pagluluto, sinisilip ko siya at nakita kong abalang-abala siya sa pagtipa sa kanyang cellphone kahit bukas ang TV sa kanyang harapan. Maya-maya, tumayo na siya at sumigaw, "Mag-shower lang ako, Mahal!" aniya habang paakyat ng hagdan patungo sa kuwarto namin sa second floor. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago sumunod sa kanya paitaas. Kinakabahan kong itinulak pabukas ang pinto ng kuwarto at sinilip siya kung nakapasok na ba sa banyo. Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula roon tanda na naroon na nga siya. Nakita ko ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kama. Marahan akong pumasok at naglakad palapit doon. Lalo akong kinabahan habang dinadampot ang cellphone niya. Napalunok pa ako upang alisin ang tila nakabara sa lalamunan ko. Nakahanda ba ako sa maaari kong makita sa bagay na ito? Pinindot ko ang open button sa gilid at ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang naka-lockscreen iyon. Lalong tumindi ang aking paghihinala na may itinatago talaga siya sa akin. Damn you, Ethan! Inis na inis at pahagis kong ibinalik ang cellphone sa dating kinalalagyan. Tatalikod na sana ako upang lumabas na at bumalik sa kusina nang mag-ring iyon. N Sim 1 Incoming call The same caller a while ago. Walang pagdadalawang-isip at mabilis kong dinampot muli ang cellphone upang i-accept ang tawag. Hindi ko alam kung para saan ang takot na bigla kong naramdaman, pero nanginginig ang aking kamay nang ilapit ko iyon sa aking tainga at sagutin. "H-Hello..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD