"B-BUNTIS ako at si Ethan ang ama." Agad naningkit ang mga mata ko pagkarinig sa sinabing iyon ni Nathalie. Tinawid ko ang aming pagitan at isang malakas na sampal ang gigil kong pinadapo sa pisngi niya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa sobrang galit. Halos mamuti ang nakakuyom kong mga kamay at dama ko ang pagbaon ng kuko ko sa aking palad. "Hindi pa sumapat sa'yo ang pakikipagrelasyon sa asawa ko, nagpabuntis ka pa talaga?! Ang kapal ng mukha mo!" galit kong sigaw sa kanya. "Sobrang tanga mo, Nathalie! Naisip mo man lang bang alamin muna ang buong pagkatao ng lalaking 'yan? Kasal kami, Nathalie, at kabit ka!" Napayuko si Nathalie at hindi nakapagsalita. Panay naman ang hangos ko dahil sa nararamdaman kong matinding galit. "Argh!" Muli ko sana siyang sasampalin dahil sa pan

