bc

FAIRYTALE ACADEMY : School of Enchanter (Tagalog)

book_age12+
17
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
inspirational
drama
twisted
humorous
lighthearted
serious
mystery
magical world
like
intro-logo
Blurb

***.

Ako ang prinsesa ng pinaka taas na antas ng kaharian sa buong magic world na ilang taon din namalagi sa mga mortal, ginagalang at kinaiinggitan ako ng karamihan dahil sa angking lakas at kagandahan. Ngunit sa kabila ng lahat ay marami pa akong hindi natutuklasang bagay at pangyayari sa aking paligid, Ito ay mga bagay na nagpadurog sa aking puso simula nung matuklasan ko ang lahat ng katotohanan at iyon ay may mga bahid ng kasamaan.

chap-preview
Free preview
One
Prologue "Mahal na prinsipe, saan ba tayo patungo?" Tanong ko muli sa aking kasama. Masayang tumatakbo kami sa lugar ng puno nang mga halaman at bulaklak sa paligid. May mga iba't ibang kulay ng paru-paro din ang lumilipad na lubos kong ikinatuwang makita. Magka-hawak ang kamay namin ng batang prinsipe at pareho kaming may suot na gwantes sa kamay. Hindi ko mapigilang kiligin at mapangiti ng husto dahil sa tuwa. Napaka sayang makita na kasama ko ngayon ang taong hinahangaan ko at kahit na sa murang edad palang ay naramdaman ko na ito. Isa ba itong pagmamahal na nararamdaman ng aking ama't ina sa isa't isa? At paano ko ba malalaman ang tunay na kahulugan nito? "Humawak ka lang ng mahigpit sa'kin, hindi kita pababayaan." Kahit ang pamamaraan ng kanyang pagsasalita ay hinahangaan ko. Napaka seryoso at may bahid ng tapang ang kanyang pagkatao ngunit hindi iyon naging dahilan upang matakot ako sa kanya, kahit na minsan ay hirap siyang intindihin dahil hindi ko mawari kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman. Madalas ay hindi siya nagpapakita ng ekspresyon sa iba subalit nakakataba ng puso sapagkat sa akin niya lamang pinapakita ang mga iyon. Nakarating kami sa dulo ng gubat ngunit hindi ko inaasahang makikita ko ang lugar na ikinukwento lamang sa akin ni Ina noon. Napanganga ako ng husto. Ito ang sagradong kastilyo ng mga puting nilalang, at ang pangakong paraiso. Ibig sabihin ay dito dinadala ang mga mabubuting nilalang at iba pa. Isang dyosa ang pumoprotekta sa buong kagubatan, at maging sa kalikasan. Sabi pa ni Ina ay wala pang masama ang nagtangkang pumunta sa lugar na ito. May napaka laking gate portal sa harapan namin kung saan malaya naming nakikita ang itsura sa loob ng kanilang mundo. Hindi kami sigurado kung papayagan kaming makapasok dahil ibang uri kaming nilalang. Kami ay may mahikang hindi mo nanaisin. Immortal ang tawag sa amin delikado ang hawak naming kapangyarihan. Narinig kong napabuntong hininga siya at nagulat ako ng iniharap niya ako sa kanya. Biglang bumagal ang aking paghinga dahil sa kanyang kilos. Waring mawawalan ako ng malay anumang oras dahil sa paraan ng mga titig niya. "Alam kong hindi tayo puwedeng pumasok sa lugar na iyan. Ngunit may isang bagay lamang akong nais sabihin sa iyo." "A-ano iyon? Gusto kong marinig." Walang sisidlan ang kaba ko. Huminga siya ng malalim at tumingin muli sa aking mga mata. "Noon ay ipinangako sa aking sarili na kapag nakita ko na ang taong para sa akin ay dadalhin ko siya sa lugar na ito," mahabang saad niya na nagpalundag sa puso ko. Para bang may kung anong lumilipad sa aking sikmura na hindi ko mawari kung ano. Kakaiba ang pakiramdam ngunit napaka sarap maramdaman. Hindi ko inaasahang hahawakan niya ang aking magkabilang pisngi at hinimas ng kanyang mga darili habang mariing nakatitig sa'kin. "Hindi man ito ang tamang panahon para sa ating dalawa ngunit balang araw hihintayin ko na ang kapalaran ang magdala sa atin sa isa't isa. Alam kong napaka agang sabihin sa iyo ito pero totoo ang mga nararamdaman ko. Mahal kita prinsesa.." Napaluha ako sa aking narinig at napakagat labi. Inangat niya ang aking mukha nung yumuko ako. "Ilan taon pa mahal na prinsipe, posibleng magbago pa ang iyong damdamin. Siguro nga ay totoo ang nararamdaman mo ngayon sa akin ngunit hindi tayo nakasisigurado. Paano kapag ibang tao pala ang nakatadhana sayo? Paano kapag dumating bigla ang talagang para sayo? Na mas nakakahigit pa sa akin." Halu-halo ang aking nararamdaman. Saya, takot at kaba. "At paano k-kapag.. nagkahiwalay tayo?" Nag-aalalang tanong ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa tuktok ng aking ulo. Ang bango ng magarang damit at amoy ng kaniyang balat ay hindi ko mapigilang amuyin at singhutin habang magkayakap kami. "Pinanghahawakan ko ang aking pangako prinsesa. At kahit kailan hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo. Kung sakali mang magkalayo tayong dalawa. Hahanapin kita kahit anong mangyari." Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa'kin na minsan ko ng nakita sa loob ng isang buwan ko siyang nakasama ngunit sa unang pagkakataon, ay ang aking labi naman ang kanyang hinalikan na mas lalong nagpagulo ng sistema ko. "Prinsipe..." Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook