KABANATA 88 Bago sila makarating sa Mall ay marami pang ikinuwento ang dalawa niyang kaibigan sa kanyang Kuya kaya naman nang magsolo silang dalawang magkapatid ay nakatanggap siya ng isang malalang tanong na hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito o hindi. “Umamin ka nga sa akin may nangyari na bas a inyo ng nobyo mo?” tanong sa kanya ng kanyanng Kuya nang sinamahan siya nitong pumila para umorder ng pagkain. “Kuya may pangalan ang nobyo ko,” sabi niya na pinagkadiinan pa ang huling sinabi. Pagak itong tumawa. “Okay, may nangyari na bas a inyo ni Russell?” pag-uulit nito sa tanong. “Paano kung sinabi kong mayro’n na, magagalit ka?” tanong niya rin sa kapatid. Nagkibit ito ng balikat at ipinilig ang ulo. “So, may nangyari na sa inyo,” sagot nito sasarili nitong t

