KABANATA 44 “Hi, Russell! Itatanong ko lang sana kung okay na iyong ginawa kong research.” Napalingon siya sa boses na tumawag sa kanya at lihim siyang napasimangot nang makita si Lia kasama ang mga kaibigan nila. “Hi, Russell!” bati din ng mga ito sa kanya. Tinanguan niya lang ang mga ito at bumaling kay Lia. “Okay na iyon, naayos ko na ang mga naresearch natin at bukas ay ipapasa ko na lang kay Prof,” sagot niya at tumalikod na para umalis. “Wait! Do you mind if I ask you to teach me on—” “Lia, pumayag lang akong turuan ka sa research natin dahil makakaapekto iyon sa ‘kin. Ayokong may masabi ang Professor natin tungkol sa team ko kaya tinulungan kita. Hanggang doon lang iyon kaya huwag ka nang umasang tutulungan pa kita,” litanya niya. Alam niyang harsh ang sinabi

