KABANATA 43 “Okay, we’re done! Bukas ulit,” sabi niya sa mga kaibigan niya. Isang linggo na lang at sasabak na sila sa unang round ng Dance Competition, ini-excuse na sila ni Ms. Natie para sa isang linggo nilang klase at bibigyan na lang sila ng special exam pagkatapos ng patimpalak. Nagkanya-kanya na silang kuha ng mga gamit nila at kitang-kita niya ang pag-iiwasan nina Chino at Zellea. Napapabuntong-hininga na lang siya sa napaka-komplikado nilang sitwasyon. Sinabi na sa kanya ni Chino ang lahat nang napag-usapan nilang dalawa ng Mommy nito. Kahit siya ay nagulat sa nalaman, dahil ang buong akala niya ay hindi totoo ang sinasabi ni Zellea, kaya medyo nahihiya rin siyang lumapit dito. “Wala ba talaga tayong magagawa para sa dalawang iyan?” tanong ni Russell nang ma

