KABANATA 68 One month later… Hindi pa rin siya makapaniwala na nagkaayos na silang dalawa ni Zellea, ang buong akala niya ay matagal na panahon ang kanyang titiisin para mapansin ng dalaga. Mukhang umayon sa kanya ang tadhana at ibinigay sa kanya ang ganitong pagkakataon. Pagkatapos ng dalawang oras nilang pagwa-warm up ay dumating sina Kuya Daryll at Miss Natty na may dalang mga pagkain, kasama din nila ang mag-asawang nagbabantay ng bahay nila Kuya Daryll. “Kain na muna tayo, hindi ba kayo nagugutom?” Nakangiting tanong ni Kuya Daryll na inilapag ang dalawang basket sa mahabang mesa na nasa hindi kalayuan nila. “Ako nagugutom na! Nauumay na ako sa kalanggaman ng ilan dito! Gosh!” parinig ni Rosalie na halatang sila ang tinutukoy. Silang dalawa lang naman kasi ni Ze

