KABANATA 69 (Drea and Lloyd Lovestory) Three years ago… Pasukan na naman at excited si Drea na mag-enrol dahil ngayon din ang araw kung saan siya mag-o-audition bilang miyembro ng dance crew ng Sagesse High School, matagal na niyang pangarap ang mapabilang sa isang dance troupe kaya naman pinaghandaan niya ang audition niya ngayon. Pagpasok pa lang niya sa gate ay nakita na niya sina Russell at ang nobya nito. “Aga ng landian niyo, ah.” Sinighalan siya ni Russell pero hindi ito nagsalita. “Ewan ko ba dito, maaga akong sinundo sa bahay. May kakaiba na naman siguro siyang sorpressang nakahanda sa akin.” Ngiting-ngiti na sagot sa kanya ng nobya nito. Tipid lang siyang ngumiti at nauna na sa mga ito. Sa totoo lang hindi niya feel ang babae para sa kanyang pinsan, may

