KABANATA 66 Nagising siya kinabukasan na walang nadatnan sa tabi niya, gusto niyang paniwalaan na panaginip lang ang nangyari sa pagitan nila ni Zellea ngunit nagsusumigaw ang pulang mantsa sa kanyang kobre-kama, isama pa ang hubad niyang katawan na nagtatago sa ilalim ng makapal na comforter. Marahas siyang nagbuga ng hangin at bumangon na, nang makitang mag-aalas siyete na. Habang naliligo ay naglaro sa kanyang isip ang maiinit na tagpong pinagsaluhan nila ni Zellea, balak niya sana itong kausapin kagabi ngunit hindi ito kumibo at natulog sa mga bisig niya kaya hinayaan na lamang niya ito magpahinga, hindi biro ang ginawa nila. Pagkatapos niyang maligo ay nagmadali siyang magbihis para umalis na. Inaasahan na niyang wala na si Zellea at umalis na kaya naman nang makababa

