KABANATA 65 Pagkatapos nang masinsinan nilang pag-uusap ni Via ay mas lalong nagkaroon siya ng lakas na loob para ituloy ang binabalak na kunin ang loob ni Zellea at hanapin ang susi para tulungan mabuksan niya ang puso ng dalaga sa kanya at tuluyan nang mnnakalimutan ang unang lalaking minahal nito. Isang linggo ang mabilis na lumipas at ramdam niyang napapalapit na nga sa kanya si Zellea, kampante na ang dalagang kasama siya at nakikita niya rin ang pagbabago ng pakikitungo ng dalawa. Sa una ay medyo kinabahan pa siya dahil nagiging malapit na naman ang dalawa, nagkakausap pa sina Zellea at Chino, minsan ay nahuhuli pa niyang masayang nagku-kuwentuhan ang dalawa. Masakit sa parte niya pero ano bang magagawa niya? Malalim ang pinagsamahan ng dalawa, kumapit na lang siya sa

