KABANATA 56 Ilang oras silang nagbiyahe at hapon na nang makarating sila sa Private Resort nila Kuya Daryll, kumakalam na ang sikmura niya at ramdam na niya talaga ang gutom. Pagkababa nila ay sinalubong sila ng mag-assawang caretaker ng bahay nila Kuya Daryll at natakam agad siya nang sabihing naghanda ang mga ito ng pagkain. Kung puwede nga lang niyang takbuhin ang papasok sa loob ng bahay ay ginawa na niya, sobrang gutom na talaga siya. Nang makapasok ay agad nilang itinabi ang kanilang mga gamit at sabay-sabay na nagpuntang kusina. Malaki ang bahay nila Kuya Daryll at halatang matagal na ang bahay, maging ang ilang kagamitan ay mapaghahalataang mga antique na. Nanigas siya sa kinatatayuan nang makarinig nang tahol ng aso na papalapit sa kanila. “s**t! Noy agai

