KABANATA 57 Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo silang nag-eenjoy. Pinag-usapan na nila ang mangyayaring sa finals at sa unang linggo nilang pananatili doon ay magpo-focus muna sila sa paghasa sa dalawang bagong miyembro nila. Ang nakatokang magturo sa mga ito ay ang mga partner nito, siyempre isu-supervise pa rin niya ang mga ito . Lalo na at ang aim nila ngayon ay makapasok sa top five finalists na lalaban sa Grand finals. “Kapag nagawa nating makapasok sa Grand Finals ay iti-treat ko kayo sa Christmas Vacation niyo sa Korea.” Nakangiting saad ni Miss Natty. “Ayt, talaga ba?!” Namimilog ang mga matang tanong ni Zellea. Tumango naman si Miss Natty. “Malaking karangalan na sa Sagesse ang makapasok sa Grand Finals, pero mas maganda kung mauuwi natin ang malaking tro

