IKA-ANIM NA KABANATA
Kuyom ang mga kamao ni Via habang pinapanood ang laban ni Wilamr, alam naman niyang kakayanin nitong ipanalo ang laban nito ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang sariling mag-alala. Mas malaki ang kalaban nito at sobrang intact ang katawan, tiyak na mahihirapan si Wilmar na patumbahin ito kung hindi ito magiging mabilis ang kilos.
“Come on, Wilmar,” mahinang bulong niya.
Nagsimula ang laban, mabilis ang kalaban ni Wilmar at iyon ang kinakatok niya dahil nakikita niya ang kaseryosohan sa mukha ng kaibigan niya. Kapag ganoon ang itsura nito ay alam niyang nahihirapan itong patumbahin ang kalaban nito.
Sumugod ang kalaban ni Wilmar ngunit suwerteng nakailag ito sa suntok ng kalanan. Sumuntok din si Wilmar ngunit sinangga lang iyon ng kalaban gamit ang siko nito habang ang isang kamay ay humanda para atakehin ang binata.
May mga sumigaw dahil muntikan na itong matamaan hyabang siya ay parang gusto nang durugin ang mga buti niya sa isang kamay dahil sa sobrang pagkakuyom niya. Gusto niyang sumigaw din ngunit mas lalo lang mahihirapan si Wilmar kapag ginawa niya iyon.
Nahigit niya ang kanyang paghinga nang matamaan si Wilmar sa sikmura nito, napa-ubo ito at napatingin sa kanya. Tumango siya, at senenyasan ito na okay lang iyon, gumanti ito ng tango at umayos ng tayo. Huminga ito ng malalim at saka sumugod sa kalaban nito.
Ang sumunod na nangyari ay nagpa-nganga sa kanya. Iglap lang ay tumumba ang kalaban nito at wala ng malay. Sigawan ang mga nanonood at malakas na nagpalakpakan, isinisigaw ang pangalan ni Wilmar.
Sininghalan niya ito ng tawa at tumalikod para umalis na. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito at mas lalong hindi niya inaasahan na kaya nitong gayahin ang mga kilos niya. Tuloy ay lalo siyang nae-excite na magka-sparring ulit silang dalawa. Ngayon pang alam niyang pinagbibigyan lang siya nito at hindi talaga nito sineseryo ang sparring time nila.
Kinuha niya ang mga pinamili niya sa receptionist at nagpaalam na. Hindi na niya hinitay pang umakyat si Wilmar dahil tiyak na kakausapin pa ito ng Daddy nito.
Paglabas niya ng gym ay saka lang niya nalaman na gabi na pala. Tiningnan niya ang kanyang telepono at napamura nang malamang alas-nuebe nan g gabi. Nakita niya rin ang ilang missed calls at messages ni Chino at ng kanyang Tita.
Mabilis siyang nagpara ng taxi at nagpahatid sa kanilang bahay.
*****
Inunahan niyang gumising si Chino at nag kanyang Tita, gusto niyang pumasok ng maaga at makaiwas na makasabay sa mga ito. May inihandang pa-welcome party ang mga estudyante sa mga ito at ayaw niyang makasama sa mga estudyanteng iyon kaya uunahan na niya ang mga itong pumasok.
Nang makarating siya sa harap ng kanilang unibersidad ay binati agad siya ng security guard. Ipinakita niya ang kanyang ID at pina-check ang gamit niya bago siya tuluyang papasukin, alas sais’y medya pa lang kaya inaasahan niyang wala pang masyadong estudyante sa loob ng campus ngunit nagulat siya dahil may iilan nang nagkukumpulan sa harap ng gate at tila nag-aabang sa pagdating ng apat. May mga hawak na banner ang ilan at ang iba ay busy sa paggawa pa.
Naiiling na lang siyang naglakad palayo sa mga ito, natigilan siya nang may madaanan siyang apat na nagkukumpulang babae, may pinapanood ang mga ito at aksidenteng nahagip ng mga mata niya kung ano ang pinapanood ng mga ito.
Nanlaki ang mga mata niya at napahinto, walang pasabing inagaw niya ang cellphone ng babae at tinitigan ang naka-upload na video.
‘What on earth is this?!’ sabi niyang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
May kumuha sa kanya habang nagsasayaw siya sa Sports Complex. “Miss, ano bang problema mo? Bakit k aba nanghahablot ng cellphone?” mataray na wika ng babae at kiniha ang cellphone sa kanyang kamay.
“S-saan niyo nakuha ang video na iyan?” tanong niya.
Tumawa ng pagak ang isa pa. “Hindi mo ba alam na trending ang video na iyan sa social media? May nag-upload niyan sa website ng university natin. Ang dami ngang nagtatanong kung sino ang babaeng iyan, eh.”
“s**t,” bigkas niya at walang pasabing iniwan ang mga ito.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang website ng kanilang university. Doon ay nakita nga niya ang video niya na uploaded ng isang dummy account. Nagtagis ang bagang niya at kulang na lang ay madurog ang kanyang cellphone sa sobrang panggigil niya.
Huwag talaga niyang malalaman kung sino ang taong nag-upload ng video na iyon dahil sa oras na malaman niya kung sino iyon ay talagang papatikimin niya ng isang malakas pa sa sipa ng kabayo.
Habang binabasa niya isa-isa ang mga comment doon ay mas lalo siyang kinakabahan at gusto na lang niyang mawalang parang bula. Kapag nalaman ng pinsan niya at ni Lloyd na siya ang nasa video na iyon ay tiyak na wala siyang ligtas sa pang-aasar at pangungulit ng mga ito.
Gusto niyang maglupasay sa lupa habang naririnig niyang nagku-kuwentuhan ang kanyang mga kaklase tungkol sa video na iyon. Kahit na may nakasalpak ng earphone sa kanyang tenga at malakas na ang tugtpg niyon ay naririnig niya pa rin ang mga tsismisan ng mga ito.
Naiba lang ang usapan ng mga ito nang makita niyang pumasok ang apat sa tinitingalang Elite Students ng S.U Nanlaki ang mga mata niya at saka niya lang napansin ang apat na bakanteng upuan sa tabi niya. Parang mas gusto niyang matunaw na lang talaga dahil siya na naman ang magiging sentro ng atraksiyon ng lahat.
Babatiin sana siya ni Lloyd nang lihim niya itong pandilatan ng mata, agad naman nitong nakuha ang ibig sabihin nito kaya ibinaling niya sa kaharap ko ang pagbati nito sa kanya.
Nang makaupo ang mga ito sa tabi niya ay nagkunwari siyang walang pakialam at nag-doodle sa notebook na nasa may mesa niya.
“Napanood niyo ba ang video?” panimula ni Chino, nakaharap ito kay Russell na katabi niya habang si Lloyd at Dyke naman ay nasa may kanang bahagi niya.
“What video? The one who’s dancing?” sabat ni Dyke at humarap sa kanya ngunit ang mga mata ay na kay Chino.
Tahimik lang siyang nagpapatuloy sa pagdo-doodle at nagkunwaring walang naririnig. Inilabas niya pa ang kanyang cellphone at pumili ng kantang mas malakas ang bass para hindi niya talaga marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Na alam niyang imposible dahil katabi lang siya ng mga ito.
“Uhm. Alam niyo bang may kakilala akong ganoon sumayaw? Tsaka, pamilyar sa akin ang mga steps niya dahil sinayaw na naming iyan noon eh, di ba, Lloyd?”
Humigpit ang hawak niya sa lapis at nagdasal n asana ay maging kalmado siya at huwag niyang maisipang ihampas ang notebook niya sa pagmumukha ng kanyang pinsan.
“Yeah, I know someone that moves like that. Well, to be exact, she is the only one who can do that. It’s her masterpiece,” kahit hindi man siya tumingin kay Lloyd ay alam niyang nakangisi ito at nagpaparinig.
‘Wala na talaga! Wala na akong kawala sa dalawang ugok na ito! Parang ngayon ko gustong pagsisihan ang pagkatukso kong sumayaw noong araw na iyon!’ naiiyak na wika niya sa kanyang isipan.
Nang dumating ang kanilang Professor ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Tinanggal niya ang kanyang earphones at diretso ang tingin kay Professor Miranda. Ngumiti ito sa kanya at saka lang niya ulit naalala na ito ang dahilan kung bakit siya naging miyembro ng Elite Students.
“Well, before we start the class, I would like to congratulate, Ms. Montes. She deserves to be labeled as an Elite Students,” sabi nito.
“Whoa! Really?” malakas na wika ni Lloyd at tumingin sa kanya. “Congrats!”
Nilingon niya lang ito at tipid na ngumiti.
“Congrats!” sabi naman ng katabi niyang si Dyke, tango lang din ang isinagot niya rito.
Nagsimula nang mag-discuss ang kanilang Professor at kahit ayaw niyang makipagsabayan sa mga matatalinong katabi niya ay wala siyang agawa dahil laging tinatawag ni Professor Miranda ang kanyang pangalan para sumagot at magparticipate sa lesson. Hindi din naman nagpahuli ang ibang classmate nila at nagpakitang gilas din.
Nang magkaroon ng biglaang short quiz si Professor Miranda ay tanging silang lima lang ang nakakuha ng perpektong score, bagay na napansin ni Russell at nang magsalita ito ay hindi pa maganda ang naging tabas ng dila nito.
“You’re lucky to sit beside me, you got a perfect score, congrats!”
Narinig iyon ng mga nasa harap nilang kaklase kaya masama na naman ang tingin sa kanya. Nag-angat ito ng kamay at nagsumbong sa kanilang Professor.
“Is this true, Miss Montes?” tanong sa kanya ni Professor Miranda.
Sinamaan niya ng tingin si Russell at saka nagsalita. “Bakit ako mangongopya kung kaya ko namang sagutan iyon kahit nakapikit pa.”
“Ang yabang,” sabi ng babaeng nagsumbong sa kanya.
Dahil sa inis niya ay pinatulan na niya ito. “At least ako nagyayabang nang may ibubuga, ikaw ba, may ibubuga ka ba?” mataray niyang wika.
Narinig niyang nag-ingay ang mga kalalakihan, nangingibabaw ang boses ni Lloyd at Chino.
“Aba’t, hoy,--”
“Silence!” saway naman agad ni Professor Miranda. “Ganito na lang, para mapatunayan kung tama ang sinasabi mo Miss Roces, bibigyan ko na lang ng panibagong quiz si Miss Montes at Mr. Lleanda. The two of you please come here in front.”
“Damn it,” tila nauubusan na ng pasensyang wika niya. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at nagpunta sa harap, gayundin si Russell. Pinapuwesto silang dalawa sa magkabilang blackboard.
“Bibigyan ko kayong dalawa ng parehong problem solving let’s see if one of you tries to cheat,” sabi ni Professor Miranda at pumuwesto sa gitna nila.
Sabay silang tumango ni Russell. Nang ibigay nito ang tanong ay agad naman siyang nagsulat ng sagot sa niya, ilang segundo lang ay narinig niya ang boses ni Russell, ngunit hindi siya nagpadala sa bulungan ng mga kaklase niya. Nang matapos niyang bilugan ang sagot niya ay saka lang siya nagsalita na tapos na siya.
Pinagpalit sila ng puwesto ni Russell at nakita niyang ang ginamit nitong equation ay ang napakadali lang at napaka-simple, samantalang ang kanya ay ang tamang equation para maipakita kung paano niya nakuha ang kanyang sagot.
“I gave them two same problems solving and they both gave their answers on different problem solutions but they came up with the same answers. Nakita niyo bang may sumilip sa kanila?” tanong nito sa mga kaklase niya.
“No, Prof.” sabay-sabay na sagot ng mga ito.
“Then it’s very simple, walang may nangopya at ang nakuhang score ni Miss Montes ay hindi kinopya sa katabi nitong si Mr. Lleanda,” wika pa nito. “You can sit downnow,” wika nito sa kanila.
Nauna siyang umupo sa kanyang upuan at nginisihan ang babaeng nasa harap niya.
Nagbigay ng assignment ang kanilang Professor bago sila palabasin. Mamayang alas kuwatro na ang audition para sa mga gustong sumali sa E.S kaya naman narinig nila ang anunsiyo mula sa mga speaker na wala ng klase at maghanda na ang lahat ng sinumang mag-a-audition.
Nasa may hallway na siya at balak nang umuwi ng tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya kung sino ang caller at nang makitang si Lloyd iyon ay agad niyang pinatay iyon. Tumunog ang kanyang cellphone at nang tingnan niya ay pangalan naman ng kanyang pinsan ang nakita niya. Tuluyan niyang pinatay ang kanyang cellphone at ngumisi, ngunit agad din iyong nawala nang maramdaman niyang may umakbay sa kanya.
“Where do you think you’re going, Bianx?” sabi nito.
“Uuwi na, malamang,” sabi niya.
“Bawal. May audition ngayon at dapat lahat ng S.E member ay naroon, kaya pupunta tayo doon,” sabi nito at inakay siya nito papunta sa Stadium.
“Pero—”
“No buts, babe,” sabi nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay na lang dito at sumama papuntang Stadium, manonood lang naman siya, di ba?
Nang makarating sila doon ay marami ng tao, pumuwesto sila malapit sa mga maghuhurado at kahit anong gawin niyang paglipat ng upuan ay hindi talaga siya pinayagan ni Wilmar. Nakaakbay ang kamay nito sa kanyang balikat, sinisigurado na hindi siya makakaalis. Malakas ang loob nitong gawin iyon dahil alam nitong hindi niya ito kayang saktan sa harap ng maraming tao.
“Next!” sigaw ng babaeng katabi ni Lloyd. Kung hindi siya nagkakamali ay ang pangalan nito ay Drea Marie Fulgar, ang Head ng dance group at cheerleader ng university.
Pumasok ang isang babaeng kontodo ang make up sa mukha. Hapit ang suot nitong damit at sa unang tingin pa lang niya ay alam na niyang hindi ito papasa sa kung anong talentong gusto nitong ipakita.
“What’s your name?” tanong ni Drea sa auditionee.
“Lezley Milana, from Junior High School, fifteen years old at sasayaw po ako,” nakangiti nitong sagot.
“Well, goodluck,” malambing nitong tugon sa babae.
Nagsimula itong sumayaw sa indak ng nauusong sayaw ngayon sa social media. Napalatak siya at pinigilan ang matawa dahil sa itsura nitong pinipilit na igiling ang katawan nitong sing-tigas yata ng semento. Nagsisimula na ring magtawanan ang mga estudyanteng nanonood kaya naman pinatigil na ito ni Drea.
Hingal na hingal na tumigil naman sa pagsasayaw si Lezley at alanganing ngumiti sa harap ng mga hurado.
“She’s not gonna make it,” mahina niyang bulong kay Wilmar.
“Huh?”
Umiling siya at nakahalukipkip na tumingin sa babaeng nasa entablado.
“Lezley, ano kasi, you need more practice on dancing. Ang hinahanap kasi naming ay iyong natural na talagang mananayaw at talagang talent na nila ang pagsasayaw,” sabi ni Drea.
“What? So, ibig sabihin hindi niyo ako tatanggapin dahil kulang ako sa practice?” mataray nitong tanong kay Drea.
“Uh…yes,” sabi nito na tila hindi nagustuhan ang tono nang pananalita ng babae.
“Hindi niyo ba alam na ako ang babaeng viral ngayon sa social media?” biglang sabi nito.
Napanganga siya sa sinabi nito at nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito ay hindi niya napigilang mapabunghalit ng tawa. Bagay na pinagsisihan niya sa bandang huli dahil naagaw niya ang atensiyon ng lahat.
‘You’re indeed a troublemaker, these days, self!’