IKA-LIMANG KABANATA

2273 Words
KABANATA 5     Maagang nagising si Via para mag-jogging, hindi niya alam kung bakit pero kusang nagising ang diwa niya at naisip na mag-jogging. Bumangon siya sa kanyang kama at nang pipili na siya ng damit na susuotin ay bigla siyang napakunot-noo.   Halos lahat ng damit na nasa kanyang cabinet ay puro cropped top at mga sando. Nakangiwing isinara niya iyon at lumabas para pumunta sa kuwarto ni Chino. Wala ngayon ang kanyang pinsan dahil umattend sila sa Science Competition at ngayon ang balik nila, dala ang napakalaking tropeyo na napanalunan nila.   Kahapon ay nabalitaan ng halos lahat ng estudyante sa Unibersidad nila ang pagkapanalo ng apat na estudyante ng S.U. Siyempre lahat ay tuwang-tuwa at naghanda ng welcome party sa pagbabalik nila ngayon.   Isang lingo din kasing nawala ang mga ito at sa loob ng panahon na iyon ay itinuro sa kanya ni Wilma rang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa Elite Students. Nakausap niya rin si Miss Natty at ito mismo ang nag-assign kay Wilmar na magturo at sa kanya nang lahat ng kailangan niyang malaman sa pagiging Elite Students.   Nag-iba ang patakaran nila ngayon, dahil na rin sa dumadaming estudyante ng S.U. Napagdesisyunan ng Dean na ang Elite Students na ang hahawak sa kahit anong organisayon na meron sa S.U. Iyon pala ang dahilan kaya sinakop ng E.S ang buong palapag na iyon.   Bawat room na naroon ay para sa mga orgsnisayson na sila mismo ang gumawa. May org para sa Arts, Music, Dance, Theater, Sports, Math Club, Science Club at iba pa. Pero ang tanging may tsansa lang na makapasok doon ay iyong deserving lang talaga sa talentong meron ang issang estudyante.   Dahil ang bawat miyembrong kasali sa mga organisasyong iyon ang siyang pipiliin nila para ilaban sa mga National Competition at International Competition.   Sa lahat ng ipinakita ni Wilmar sa kanya ay nakaagaw pansin sa kanya ang Recording Station at ang Dance Hall na magkatapat lang at nasa dulo. Pinigilan niya ang pagragasa ng iba’t-ibang emosyon sa kanyang sistema.   Agad siyang umalis sa lugar na iyon at ipinangako na hindi na muli tutuntong pa roon kahit na ano pang gawin nilang pagpipilit sa kanya. Nang araw ding iyon ay kinausap niya si Miss Natty upang sabihing hindi niya gustong mapabilang doon, ngunit hindi siya nito pinakinggan at binigyan lang siya ng isang payo. Isang payo na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan at tila tumimo na sa kanyang isipan.   Nang makakuha siya ng t-shirt ni Chino ay agad siyang bumalik sa kanyang kuwarto, isang simpleng white t-shirt imprinted ang kinuha niya kay Chino na tinernuhan naman niya ng jogging pants. Hinayaan nyang nakalugay lang ang kanyang mahaba at kulay mais na buhok at nagsuot ng kulay itim na cap. Pagkatapos niyang maisuot ang kanyang putting sneakers ay bumaba na siya at maingat na lumabas, kahit papaano ay ayaw niyang magising ang kanyang Tita dahil alam niyang pagod din ito sa kaka-zumba nito, araw-araw.   Medyo madilim pa ang kalangitan, nang makalabas siya ng kanilang bahay. Nag-inat siya at nag-warm up, bago inilagay sa kanyang magkabilang tenga ang kanyang earphones at nagpatugtog.   Isang remix dance songs ang ipinatugtog niya, Bruno Mars remix dance. Nang makita niya kahapon ang talong lalaki sa likod ng kanilang bahay na pinapanood iyon sa youtube ay agad niya ring hinanap iyon at idi-nownload. Ilang beses niya ring pinanood ang naturang video nilang magkakaibigan na sumasayaw sa kanilang studio.   Nagsimula siyang tumakbo papunta sa Sports Complex ng kanilang subdivision, madilim pa at wala pa talagang katao-tao sa lugar na iyon. Nagsisimulang gumalaw ang kanyang katawan at tila sumasabay sa ritmo ng tugtog. Napahinto siya sa pagtakbo at tumingin sa kanyang paligid, huminga siya ng malalim at ipinikit ang kanyang mga mata. Wala namang masama kung pagbigyan niya ang kanyang sarili, sobrang tagal na rin ng huli siyang sumayaw.   Nagsimulang gumalaw ang kanyang mga paa, parang may sariti itong mga isip na kumikilos at sumasabay sa ritmo ng musikang naririnig niyalang sa magkabila niyang tenga. Maging ang kanyang katawan ay sumasabay na at kahit ayaw man ng kanyang utak ay nae-enjoy niya ang ginagawa niya, nagawa niya pang mag-break dance at unti-unti niyang naitaas sa ere ang isa niyang binti ng walang kahirap-hirap.   Tinanggal niya ang dalawang earphones niya at hingal na hingal na napaupo siya sa lupa at pinahid ang pawis sa kanyang noo. Natigilan siya dahil nakaramdam siya ng mga matang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya, nang lingunin nya ay wala naman siyang nakita, pero kumunot ang noo niya ng makarinig ng mga yabag na tumatakbo paalis sa lugar na iyon.   Nanlaki ang mga mata niya at mabilis siyang tumayo at hinabol ang kung sinumang nakakita sa kanyang sumasayaw, ngunit nalibot na niya ang buong Sports Complex ay wala siyang nakita na. Umikot pa siya ng ilang beses doon, nagbabaka-sakaling may makita siya ngunit inabot na siya ng liwanag ay wala siyang nakita.   Nang malapit na siya sa kanilang bahay ay may humintong schoolbus sa tapat niya, walang dudang ang kanyang pinsan na iyon at si Lloyd dahil may pangalan ng kanilang unibersidad ang bus.   “Home! Sa wakas!” narinig niyang wika ng kanyang pinsan. Bumaba ito at bitbit nito ang maliit na maleta, kasunod lang nito ay ang kanyang kaibigan na halatang inaantok pa.   Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Chino nang makita siya, nakagat niya ang kanyang labi dahil agad nitong itnuro ang damit nitong suot niya.   “Bakit suot mo iyan?” sita nito sa kanya.   “Bakit ba? Eh, sa gusto koi to, eh,” sabi niya at nilampasan ito. Nahagip ng mga mata niya ang dalawa pa nitong kaibigan na sa kanya din pala nakatingin.   “Aba’t…hoy! Damit ko iyan, baka nakakalimutan mo,” sabi pa nitong sumunod sa kanya.   “Kita-kita na lang tayo sa campus bukas, mag-iingat kayo, pauwi.” Narinig niyang wika ni Lloyd sa dalawa nitong kaibigan.   Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay at nasa likuran niya si Chino na walang preno pa ring nagsasalita.   “Mommy!” tawag ni Chino sa kaniyang Tita na nasa kusina na at nagluluto nan g pagkain nila.   “Oh, nandiyan ka na pala! Congrats, anak, nanalo na naman kayo!” natutuwang wika ng kanyang Tita at lumapit sa anak nito at pinupog ng halik ang mukha.   Natawa siya sa itsura ni Chino. “Mommy! Hindi mo ba nakikita ang suot ni Biyang?” tanong nito na inilayo na ang mukha sa ssarili nitong ina.   Tiningnan siya ng kanyang Tita mula ulo hanggang paa. “Bakit ka pinagpapawisan? Galing k aba sa jogging, anak?” tabong nito sa kanya.   Tumango siya.   “Ma, hindi iyon!” angal naman ni Chino at itinuro ang damit nitong suot niya. “Isinuot lang naman niyaang bago kong damit! Kabibili ko lang niyan at hindi ko pa sinusuot!” wika nito at kulang na lang ay magpa-padyak ito sa sobrang inis nito.   Tinitigan naman ni Tita ang damit na suot ko. “Ang dami mong damit, Via, bakit panglalaki pa ang suot mo. May gusto ka bang bilhin na mga damit? Sabihin mo lang at pupunta tayo ng Mall ngayon,” malambing na saad ng kanyang Tita.   “Tita, wala akong maisuot na maayos na damit, eh. Puwede bang magpuntang Mall? Ako na lang bibili sa mga damit ko, puwede?” sabi niya.   “Wala kang damit? Ang sabihin moa yaw mo lang isuot ang mga iyon kasi,” hirit pa ni Chino.   “Oo nga naman, Via. Ang dami mong damit sa closet mo ah.”   “Okay lang kung ayaw niyo, total marami namang damit sa closet niya si Chino. Kukuha na lang ako doon kapag—”   “Ma, hayaan mo na siyang bumili ng mga gusto niyang damit,” agad na saad ni Chino at bubulong-bulong na umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto nito.   Napangisi na lang siya at hinabol ito ng tingin.   *****   Mag-isa siyang nagpunta nang Mall, hindi siya sinamahan ng nagtatampo niyang pinsan at hindi niya rin mahagilap si Lloyd dahil ipinapahinga nito ang utak nito sa nangyaring kompetisyon.   Pumasok siya sa isang Men’s Department Store at namili nga mga damit na gusto niya. May nakita siyang isang kulay itim na damit nagandahan siya dahil sa simpleng disenyo niyon kaya kinuha niya agad at dinala sa counter, kasama ang ilan sa mga binili niya.   Tumaas ang kilay niya nang makita niya si Russell na pumipila sa kabilang counter at alam niyang nakita siya nito ngunit hindi siya nito pinansin. Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat at pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili ay lumabas na siya sa  department store na iyon.   Dahil wala naman siyang gagawin na doon ay naisipan niyang dumaan sa gym nila Wilmar. May utang na Sparring pala sa kanya ang mokong na iyon. Naghanap siya ng taxi sa labas ng Mall at nagpahatid sa gym, pagdating niya roon ay maraming tao. Hinanap niya agad si Wilmar at nakita niya itong may ina-assist na babae.   Iniwan niya ang mga dala niya sa receptionist, dahil kilala naman siya doon kaya okay lang na paiwanan niya ang mga gamit niya. Nilapitan niya ito at malakas na tinapik sa balikat.   “Mukhang nag-e-enjoy ka, ah,” sabi niya.   Sumimangot ito at napahawak sa balikat nitong tinapik niya. “What are you doing here?” sabi pa nito.   “Baka nakakalimutan mong may utang ka sa akin.” Itinuro niya ang boxing ring at ngumisi dito.   “Excuse me, girlfriend ka ba niya?” tanong ng babae sa kanya.   “Pft! No,” sabi niyang umiling. “We’re good friends, pinopormahan ka ba nito?” sabi niya.   “Well, if you’ll excuse us,” mataray na sabi nito sa kanya.   “Ah, Mandy, wait lang ha,” malambing na wika ni Wilmar sa babae at inilayo siya roon.   “Hindi ko alam na mga ganoong babae lang pala ang gusto mo, cheap ha.” Nakahalukipkip na wika niya.   “Wala ka bang gagawin ngayon at nandito ka?” tanong nito sa kanya.   Nagkibit siya ng balikat. “Naalala kong may utang kang sparring sa akin kaya ako nandito,” sabi niya.   Magsasalita pa sana ito nang makita nila ang ama nito na may mga kasamag ibang matatanda at papunta sa underground. Nagkatinginan silang dalawa at nagtanguan. May laban yata ngayon bakit hindi siya nasabihan.   “Alam mo ba kung sino ang lalaban ngayon?” tanong niya rito.   “I have no idea,” sagot nito.   Lumapit sa kanila ang assistang ng ama ni Wilmar. “Wil, ikaw daw ang lalaban mamaya. Pinagpaghanda ka ng ama mo.”   Nagkatinginan silang dalawa. “Mukhang kailangan mo talaga ng ka-sparring ngayon,” seryoso niyang saad dito.   Tumango ito sa kanya at nanghihinayang na tumingin sa babaeng masama na ang tingin sa kanya. “Bye-bye, babe. I guess hindi talaga tayo itinadhanang mag-date ngayon.”   Hinampas niya ang balikat bito at napaigik naman ito sa ginawa niya.     *****   Sa pangatlong beses ay hindi siya nagawang patamaan ni Wilmar at naitulak niya ito ng malakas.   “Come on, Willy boy,” naipilig niya ang kanyang ulo. “Paano mo maipapanalo ang laban mo mamaya kung hindi mo man lang ako mahawakan?”   “Stop calling me shits, Bianx! Paano kitang mahahawakan kung hindi mo ako pinagbibigyan?” inis na wika nito at pumustura ulit para sugurin siya.   Nasa underground na sila at nag-i-sparring, hindi kasi sila puwedeng magpakita sa mga customer ng gym na naglalaban ng ganoon. Hindi puwedeng malaman ng kahit na sino na may nangyayaring Underground fighting sa gym na iyon. Kahit pa sabihing legal ang ginagawa nila at wala silang nilalabag na batas ay nanatiling confedential ang ginagawa nila.   Mabilis niya itong sinugod at pinilipit ang kamay, napasigaw ito sa sobrang sakit at akmang sisikuhin siya ngunit mas mabilis ang kilos niya kaya nahawakan niya ang kamay nito at pinilipit din.   “Sparring b aba talaga ito? O naglalabas ka na naman ng sama ng loob mo? Balak mo pa yatang balian ako ng buto, eh,” nahihirapang wika nito.   Itinulak niya ito. “Kailangan mong maging alisto para hindi ka matamaan ng kalaban mo, kapag mabilis kang kumilos, hindi na makakapag-isip pa ang kalaban mo at ang sunod na mangyayari, plakda na siya sa lupa,” litany niy.   Kinuha niya ang kanyang towel sa gilid ng ring at tubig.   “Nag-aalala ka bang matalo ako sa laban ko mamaya?” nakangising wika nito.   “Believe it or not, yes, I am worried,” seryoso niyang sagot. “Ayoko mang isipin pero hindi ko kakayanin na makita kang duguan mamaya at nakalupasay sa lupa.”   Nilapitan siya nito at seryosong ginulo ang buhok niya at sa pagkakatong iyon ay hinayaan niya itong gawin iyon sa kanya. Iba ang samahan nilang dalawa ni Wilmar, maliban sa parehas silang Underground Fighter at nasasabi niya rito ang tunay niyang saloobin ay tunay na magkapatid talaga ang turingan nilang dalawa.   Iba ang bond na nabuo sa pagitan nilang dalawa at isa ito sa mga mahahalagang taong ayaw niyang mawala sa kanya ng maaga. Who knows what will happen next? Matindi magbiro ang letseng tadhana na iyan, kaya hangga’t maaga pa ay iniiwasan niya ang mga ganitong pagkakataon na mamimiligro ang buhay ng kanyang mga kaibigan.   “Don’t worry, I will try my best to not getting hit by my enemy,” wika nito.   Tiningan niya lang ito at inabot ang tubig niya. “Isa pa, at magpahinga ka na para sa laban mo,” sabi niya at pumuwesto sa gitna ng ring.   Narinig niyang nagreklamo ito pero sumunod din sa kanya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD