KABANATA 4
NANG PUMASOK si Via, kinabukasan sa Unibersidad ay nakahinga siya ng maluwag dahil walang mga asungot sa tabi niya. Ang sabi ng kanilang Propesor ay naghahanda ang mga ito para sa nalalapit na Science Competition laban sa East University. Halos lahat ng mga naroon ay nanghinayang dahil hindi nila makikita ang mga miyembro ng Elite Students, maliban siyempre sa kanya.
Napag-alaman niya rin sa mga madaldal niyang mga kaklase na classmate niya rin ang dalawang ugok kaya lihim siyang napapalatak. Nakatitiyak kasing riot ang mangyayari kapag kasama siya ng mga ito sa iisang classroom.
Isa sa dahilan kaya pinili niyang lumayo kina Lloyd at Chino ay dahil masyadong madaldal ang mga ito kapag kasama siya. Minsan nakakalimutan ng mga ito ang mga ayaw niya at gagawin pa rin ng mga ito pagkatapos ay sasabihin sa kanyang nakalimutan ng mga ito.
Pagkatapos ng unang subject nila ay nagpaiwan siya sa classroom at wala siyang balak sumabay sa mga kaklase niyang kumain sa canteen. Mas gugustuhin niyang mapag-solo lang doon at mag-drawing, nang masigurong mag-isa na lang siya ay inilabas niya ang kanyang sketchbook at nagsimulang mag-isip ng iguguhit.
Nag-umpisa siyang iguhit ang kanilang Propesor, pagkatapos ay ang mga kaklase niyang nagkukumpulan at nagkakatuwaan, pagkatapos ay ang sarili niya, na napapagitnaan ng dalawang blankong upuan. Inabot siya ng mahigit dalawang oras sa pagdo-drawing at ang naging basehan niya sa kanyang oras ay ang pagtunog ng bell. Hudyat iyon na tapos na ang break at magsisimula na ang klase.
Dahil nga maganda ang mood niya ngayon ay nagawa niyang mag-participate sa lesson nila ngayon. Halos lahat ng tanong ng kanilang Propesor ay nasagot niya at pati ang pagpunta sa harap ay ginawa niya. Nang matapos ang klase ay kinausap siya ng kanyang Proipesor kaya naman naiwan na naman siyang mag-isa doon.
“Base sa nakita ko sa previous records mo, maganda naman ang mga grades mo, Ms. Montes, pero bakit hindi ka kabilang sa Elite Students?” tanong ni Professor Miranda.
Ngumiti siya. “Prof., baka hindi lang talaga ako qualified,” sagot niya.
Umiling ito. “Hindi puwedeng iyan. I will talk to Miss Natty at ako mismo ang maglalakad sa’yo para makapasok ka kaagad bilang isa sa mga Elite Students.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Naku, Prof. hindi na po—” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil muli itong nagsalita.
“It’s okay, Miss Montes, you don’t have to thank me. It is my pleasure to be of help, paano iiwan na muna kita at pupuntahan ko muna si Miss Natty.” Nakangiti nitong wika sa kanya.
Hindi na siya ulit nakapagsalita at hindi niya na rin naitama pa ang sinabi ni Prof. Miranda dahil bigla na itong umalis at iniwan siya roon.
Ang buong akala niya ay buong araw nang magiging maganda ang araw niya, iyon pala ay hindi. Dahil sa huli ay may iba palang plano ang tadhana para sa kanya sa araw na iyon. Paano niya pa maiiwasan ang pagsali bilang Elite Students kung ang pesteng tadhana na naman ang gumagawa ng paraan para ilapit siya sa mga bagay na matagal nan yang kinalimutan?
Umuwi siyang mag-isa, mukhang may reviewing session pa ang mga ugok at tiyak siyang gagabihin ng uwi ang mga ito. Nang makarating siya sa kanilang bahay ay wala rin ang kanyang Tita, naalala niyang nasa Sports Arena ito at nagsu-zumba kasama ang mga kaibigan nito.
Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at ang laptop na naman niya ang kaharap niya. Ginawa niyang digi-arts ang mga nai-guhit niya kanina at pagkatapos niyang i-save ay tiningnan niya lahat ng mga nagawa niya. Sa loob ng mahigit dalawang taon niyang ginagawa iyon ay marami-rami na rin siyang nagawa.
Natuon ang paningin niya sa litrato nilang apat na magkakaibigan. Kuha iyon noong unang beses nilang sumalang sa audition bilang isang dance group, kinuha niya ang litratong iyon sa dati niyang social media account at ginawang digital art.
Napangitii siya, ginawa niyang wallpaper iyon sa kanyang laptop, sumunod niyang nakita ay ang unang araw niya sa pagpasok. Hindi niya alam kung paano niya nai-guhit ng detalyado ang mukha nina Russell at Dyke.
Isinara niya ang kanyang laptop at nahiga sa kanyang kama, iniisip niya kung anong oras ba makakauwi ang kanyang Tita at maging si Chino. Napakatahimik ng bahay kapag wala siyang maasar o di naman kaya ay wala ang matinis na boses ng kanyang Tita na laging nagtatawag kapag oras na ng pagkain o di naman kaya sinesermunan silang dalawa ni Chino.
Bumangon siya sa kanyang kama at lumabas sa kanyang kuwarto, dumiretso siyang kusina para kumuha ng tubig at chichirya, magmo-movie marathon na lang siguro siya habang hinihintay niya ang kanyang Tita at pinsan.
Natigilan siya sa pagkuha ng tubig nang makarinig ng pamilyar na tugtog, sumulyap siya sa bintana ng kanilang kusina at nakita ang tatlong lalaking nagpa-practice. May pinapanood ang mga ito sa youtube at dahil malakas ang tugtog dahil na rin sa BT-speaker ng mga ito ay rinig niya ang tugtog.
It was a remix dance hits of Bruno Mars and she’ll never forget who made that remix. Awtomatikong lumapit siya sa backdoor, at pinakinggan muli nag remix songs, na iyon.
“Ryan, look at them, ang babata pa nila dito pero ang galling na nila. Sa tingin mo, kapag ginaya natin ang dance steps nila at maging ang tugtog nila ay makakapasa tayo sa audition para maging mapasama sa mga Elite Students?” tanong ng isang lalako habang itinuturo ang pinapanood nila sa hawak na cellphone.
“Yeah, I think we can., but the problrm is, next week na ang audition, mukhang hindi na natin kakayanin pa. Sa hirap ng mga dance steps nila, at maging ang breakdance ay talagang mahihirapan tayo. Kulang ang ilang araw na rehearsal na gagawin natin kapag ginaya natin ang steps nila,” ani pa ng isa.
Nagbuntong-hininga ang tinawag na Ryan at napatingin sa gawi niya. Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa hawak na cellphone, mabilis siyang nagtago at isinara ang pinto, gumapang siya palabas ng kusina at doon ay nakita niya ang kararating lang niyang pinsan, kasama nito si Lloyd.
Natigilan ang dalawa nang makita siyang gumagapang, maging siya ay hindi agad nakakilos at tila naestatwa sa kinalalagyan niya.
“What are you doing?” Nagpipigil ng tawang tanong sa kanya ni Chino.
May hinahabol akong bubwit,” pagsisinungaling niya at mabilis na tumayo.
“Pft! Kailan pa kayo nagkaroon ng alagang bubwit?” ani Lloyd na hindi na napigilan ang pagtawa.
Sinamaan niya ito ng tingin at binato ng hawak niyang chichirya. “Shut up, ano pang ginagawa mo rito? Wala ka bang bahay?” inis na tanong niya rito.
Sinalo nito ang chichirya at nang-aasar pang nagpsalamat. Babalik n asana siya sa kanyang kuwarto nang magsalita ulit ito.
“I heard that Professor Miranda referred you to Ate Natty, he asked her to include you and sign you as a new Elite Student. Maganda raw ang ipinakita mong performance today at na-review niya agad ang records mo sa mga nakaraang taon. And since, Professor Miranda is a friend of Ate Natty, hindi na siya naka-hindi pa, so congrats and welcome to the club!” mahaba nitong wika.
“Yehey, I’m in,” walang kabuhay-buhay na wika niya at sininghalan ito ng tingin. “I don’t have any idea that Professor Miranda would be interested in me, joining that s**t, I mean, hello. Iniiwasan ko ngang makita ako ng maraming tao tas biglang magdedesisyon siya ng ganon na hindi man lang ako kinukunsulta kung okay lang sa akin”
“Biyang, It’s fate! Can’t you see? Kahit anong ilag mo at paglayo, tadhana na ang nagbibigay-daan para bumalik ka sa dating kinahiligan mo,” wika ni Chino.
“Come on, cousin, let’s face it. You are born to be on the stage again,” dagdag pa nito.
Mapait siyang ngumiti at tumalikod. “Call me, if Tita’s already here. I don’t want to talk about it. Bukas na bukas din ay tatapatin ko si Professor Miranda at sasabihin kong wala akong balak sumali sa Elite Students na iyan.”
***
Nang makapasok si Via sa room nila ay agad niyang hinanap si Professor Miranda, ngunit hindi niya ito mahagilap. Nang oras nan g klase ay hinintay niyang dumating ang Prof. ngunit sa pagka-dismaya niya ay ibang Professor ang pumasok, ipinaliwanag nito na kasama ng team nila Russell si Professor Miranda at sa susunod na lingo pa ito makakabalik.
Parang gusto na namang magwala ni Via dahil sa nalaman, paano pa niya ngayon kukumbinsihin si Professor Miranda kung ganyang wala pala ito ngayon? Dapat ban yang lapitan si Miss Natty at ipaliwanang dito na hindi siya interesadong pumasok sa Club nito?
Bago pa man mabuo ang desisyon na iyon sa utak niya ay may inilabas na putting sobre si Professor Romy, may sealed iyon ng Unibersidad at ng Elite Students. Biglang kumabog ang kanyang puso at nananalangin n asana ay hindi iyan ang ikinakatakot niyang mangyari.
“Class, please listen to what I have to say. May isa sa inyo ang binigyan ng privilege ng Head ng Elite Students na maging official member ng ES Club,” wika nito at nakangiting binuksan ang puting sobre.
Halos lahat ay umasa at nakatutok sa sasabihing pangalan ng kanilang Propesor, may mga naririnig pa siyang mga nagdadasal n asana ay pangalan nila ang banggitin habang siya ay nananalangin n asana ay hindi siya ang tinutukoy ng kanilang Professor.
“And her name is…Via Bianca Montes!”masayang wika nito. “Congratulations!” sabi nito.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig niya ang pangalan niyang tinatawag nito, habang ang mga estudyante ay nakatingin sa kanya na may halong inggit at pagseselos.
“Ang plastic niya, nung isang araw lang sinabi niyang ayaw niyang sumali pero ngayon isa na agad siyang miyembro ng Elite Students. Hmp!” narinig niyang wika ng nasa harapan niya.
Ipinilig niya lang ang kanyang ulo at hindi iyon pinansin. Maya-maya lang ay may isang guwapong lalaki na kumakatok sa classroom nila, agad namang umingay ang mga kaklase niyang babae habang siya naman ay masama ang tingin sa bagong dating.
‘Anong ginagawa ng mokong na ito dito?’ sabi niya sa kanyang isip.
“Hi, Ma’am, pinapunta ako ni Miss Natty dito para hiramin muna saglit si Via Bianca,” nakangiting wika nito.
Sa narinig ay tila nawalan na naman ng buhay ang mga babae niyang kaklase. Tumingin sa kanya ang kanilang Professor at kahit ayaw man niya ay kinailangan niyang tumayo at sumama sa lalaking abot tenga ang ngiti.
“Congratulations, Miss Via, you are one of us.” Tinapik siya nito sa balikat na para bang maganda ang ibinalita nito.
“Shut up and stop giving me those f**k smiles, it gives me chills,” mahinang sabi niya at nauna nang umalis doon.
Nagpaalam muna si Wilmar sa mga kaklase niya at sa Professor niya bago ito humabol sa kanya.
“What on earth are you doing on Elite Students? Hindi ko alam na miyembro ka din doon?” mahinag tanong niya rito.
“Well, somebody recruited me, when they saw me doing my ‘mojo-karate’,” sagot nito.
“Pft! Really?” patuyang tanong niya rito.
“Grabe ka naman sa akin. Wala ka bang bilib sa kakayahan ko? Baka nakakalimutan mong isa ako sa mga magagaling na black belter at MMA fighter dito s Campus,” pagmamayabang nito.
“Okay,” sabi niya. “Bakit ako pinatatawag ni Miss Natty. Ano naman ang kailangan niya sa akin?”
“Wala naman,” nakangiting wika nito. Nang may dumaang magandang babae ay sinundan iyon ng tingin ni Wilmar at pasimpleng sumipol.
Gusto niyang batukan ang lalaki dahil umiiral na naman ang pagiging maniac nito.
“Naisip ko lang, Bianx, kapag siguro ganyan ka kumilos, tiyak na pagkakaguluhan ka ng mga kalalakihan dito sa Campus. Iyong tipong mag-aayos ka, konting make-up,konting pakulot ng buhok tas ilugay mo. Dagdagan mo na din ng konting highlights. Naku…” Ipinitik nito ang dalawang daliri sa ere at tiningna siya.
Nginitian niya ito. “Bakit hindi mo na lang gawin? I preferred to be the way I am than to be those…” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil naalala niya ang kanyang kaibigan na ganyan manamit at higit sa lahat ang dating ‘siya’. “Nevermind.”
Tinalikuran niya si Wilmar at nauna nang maglakad pero agad ding natigilan at nilingon ang binata. “Saan nga tayo pupunta?”
Tumawa ito at inakbayan siya. Gusto niyang tanggalin ang balikat nito at baliin pero alam niyang hindi niya puwedeng gawin iyon dahil masisira ang pagiging ‘Good-Student-Image’ niya rito. Eversince she got enrolled here three years ago, nobody saw her burst in anger and break any arms of anyone.
“Tanggalin mo ang kamay mo sa balikat,” mahinang turan niya kay Wilmar.
“No babe,” kinindatan siya nito at sa mga oras na iyon ay binabali na niya ang lahat ng buto sa katawan ni Wilmar sa kanyang isip.
Tinakpan niya ang mukha niya ng kamay niya dahil may mga estudyante nang nagsisimulang kuhanan sila ng litrato at pinag-uussapan na sila. Humanda talaga ang lalaking ito sa mamaya sa kanya.
Pagkasakay nila sa elevator ay saka lang siya nito binitiwan at nagpasalamat siyang silang dalawa lang iyong naroon kaya naman malakas na hinampas niya ito sa balikat.
“Aw! Ang sakit niyon, ah!” sabi nito.
“Bakit mo ginawa iyon?” pinandilatan niya iyon.
Nagkamot siya ng ulo at nakatungong nagsalita. “Nakita ko iyong babaeng gusto ko.”
Napamaang siya sa sinabi nito, pagkatapos ay humagalpak ng tawa. Nakuha niya ang gusto nitong mangyari, pero imbes na magalit siya ay hindi niya napigilang tumawa. “You did that to make her jealous?”
“Not funny,” sabi nitong nakasimangot na.
Tumango-tango siya pero tumatawa pa rin siya. “Imagine what your father will say if he knows that his only son is a coward when it comes to girls.” Sinundan niya iyon ng malakas na tawa.
“Damn, Bianx, huwag na huwag mong sasabihin kay Daddy ito,” aniya at nalukot ang mukha.
Bumukas ang pinto ng elevator at hinila siya nito palabas, tumatawa pa rin siya kaya naman nakasimangot itong naglalakad papunta sa isang pinto.
Nang tumigil ito sa paglalakad ay napahinto din siya at doon niya lang napansin ang paligid nila. Hindi niya napigilan ang mapahanga sa mga nakikita niya. Ang buong floor na iyon ay para lang sa mga Elite Students, nasa pinaka-sentro sila ng palapag na iyon, at sa mismong kinatatayuan niya ay nasa itaas ang magarbong malaking chandelier habang nasa harap naman nila, di-kalayuan sa kinatatayuan nila ay ang pinaka-malaking pinto na huhulaan niya ang pinaka-main office ng Head ng ES.
This was the first time she set her foot in here at talaga nga namang isang dream come true para sa mga simpleng estudyante ang makatapak dito dahil para ka nang nasa paraiso.