IKATLONG KABANATA
Halos mabingi si Via sa sigawan ng mga taong nakapaligid sa kanila ng lalaking nanghamon sa kanya. Nakabalandra sa mukha nito ang determinasyon na talunin siya at alisin siya sa kanyang puwesto bilang Undefeated Fighter.
“Handa ka na bang matalo ngayon?” Nakangising tanong nito sa kanya.
Ipinakita niya ang paghikab sa harap nito at nag-inat. “You can try,” tila tinatamad na wika niya rito.
Nakarinig sila nang tawanan sa paligid nila ngunit hindi niya iyon pinansin at ganundin ang lalaking nasa harap niya.
“Goodluck, boy! Be careful on hitting her, mainit ang ulo niyan ngayon!” sigaw ng isang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay si Wilmar. Sinabayan pa iyon ng malakas na pagtawa kaya naman mas lalo lang nainis ang kalaban niya.
Pinanlisikan ng kanyang kalaban ang lalaking nasa likod niya at siya naman ang tiningnan nito ng masama. Nang tumunog ang bell ay agad siya nitong sinugod ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamao nitong tatami sana sa sikmura niya.
Napatingin ito sa kanya at sa nanlalaki nitong mga mata ay nakita niya ang galit nito. Binitiwan niya ang braso nito at agad naman itong umatras.
“Come on, if you want to defeat me, you can do much more than that,” panghahamon niya rito.
“Ang yabang mo! Tingnan natin kung hanggang saan iyang kayabangan mo,” anito at pumosisyon para atakehin ulit siya.
Hindi siya natinag sa sinabi nito, ilang kalaban na ba niya ang nagsabi niyon sa kanya? Pero may nakapagpatumba ba sa kanya? Nailing siya at patay-malisyang tiningnan ang paghahanda sa pag-atake nito sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataon ay sinugod siya nito, ngunit gaya ng una ay nasalo niya lang ang kamao nitong gustong patamaan naman ang tagiliran niya. Balak na nitong kunin ang kamay nitong hawak niya nguniy hindi na niya ito pinagbigyan pa. Sinipa niya ang tagliran nito, napaigik ito sa sakit, pinilit nitong kunin ang kamay nitong hawak pa rin niya ngunit mas lalo niya iyong hinigpitan.
Nanlaki ang mga mata nito nang maramdaman ang p*******t ng kamay nitong hawak niya pa rin.
“Bitiwan mo ako!” sigaw nito.
Ipinilig niya ang kanyang ulo at binitiwan nga ang kamay nito. Kaagad naman itong lumayo sa kanya at pilit tumayo ng diretso.
Magsasalita pa sana ito ngunit nabitin sa ere ang sasabihin nito dahil iglap lang ay nasa likod na siya nito at mabilis na hinampas ang batok nito.
Walang malay itong natumba at malakas na naghiyawan ang mga nanonood. Panalo siya, at katulad ng laging nangyayari pagkatapos ng kanyang laban ay dederetso muna siya sa gym at doon magpapalipas ng ilang sandali bago umuwi.
“Parang wala ka yata sa sarili kanina habang nakikipaglaban ka,” sabi ni Wilmar na sinundan pala siya sa gym.
Hindi siya kumibo, inayos niya ang mga gamit niya at maging ang uniform niya.
“Nasa account mo na pala ang perang napanalunan mo, wala ka ba talagang balak makipag-usap ngayon? Hindi ka magpapaliwanag tungkol sa nangyari sa punching bag na asira kanina? Alam mo bang ako na naman ang pinagsabihan ni Papa dahil doon?” Sinundan siya nito hanggang sa loob ng locker room.
Tumigil siya sa pagpasok at matalim na tumingin sa binata. “Nakikita mo bang okay ako? Gusto mong ikaw naman ang gawin kong punching bag?”
“Ano ba kasi ang problema? Sa unibersidad mo ba? Iyong dalawa mo bang guardian ang nang-bad trip sa’yo?” tanong nito sa kanya. Hindi man lang natinag sa pananakot niya.
Siya si Wilmart Jimenez, anak ng may-ari ng gym na ito. Ito ang nag-alok sa kanya na maging Underground Fighter at naging isa sa mga matalik niyang kaibigan. Iba ang pakikitungo niya kay Wilmar, dahil nakita siya nitong nagwawala sa isang madilim na eskinita at walang pakundangang pinagsisisipa ang basurahan doon.
Si Wilmart ang nagturo sa kanya nang pakikipaglaban at nagturo din sa kanya na ibuhos niya ang galit na nararamdaman niya sa mga kaaway niya, at iyon nga ang ginagawa niya. Simula noon ay wala pang tumatalo sa kanya at nakakaisang patamaan siya sa kahit saang parte ng katawan niya.
Bagay na hinahangaan ng ilang Underground Fighter sa kanya. May abilidad siyang singbilis daw ng tigre kung kumilos, isama ang walang emosyon niyang mukha kapag kaharap ang kalaban niya, at higit sa lahat ang mga mata niya na sing-talim ng punyal kung makatitig sa taong makakaharap niya. Wala ng may gustong lumaban sa kanya na mga taga-roon, mga dayo na lang o kung minsan naman ay mga lalaking ayaw tanggapin ang pagkatalo nila sa isang maliit na babaeng gaya niya.
“Via, pssst! Kasama ko pa rin bas a lupang ito ang kaluluwa mo? O nadala nan g hangin at lumipad sa kung saan?” wika ni Wilmar.
“Get lost,” sabi niya at pumasok na sa locker. Malakas niyang ibinalibag ang pinto at ini-lock iyon. Siniguro niyang nakasarado ang pinto at naka-lock bago niya hubarin ang damit niya at dumiretso sa banyo.
Pagkalabas niya sa locker room ay naroon pa rin si Wilmar sa tabi ng pinto, nakahalukipkip at matiyagang naghintay talaga sa kanya.
“Tibay mo din ah, ano, sparring tayo?” anyaya niya rito at sinuntok ang isang braso nito.
“Gagawin mo lang akong punching bag, kaya huwag na. Nasa labas si Lloyd at Chino, mukhang sinusundo ka na,” sabi nito.
Napasinghal siya at inirapan ito. Basa pa ang kanyang buhok ngunit itinaas na niya iyon at itinali pataas.
“Thanks. I-text mo na lang ako, kapag may gustong maghamon. Babalik ako bukas kapag nabadtrip ako, kailangan nandito ka para ikaw ang ka-sparring ko,” sabi niya at nauna nang lumabas.
“Wala ako bukas dito,” habol nitong sabi sa kanya.
“Kapag wala ka dito, sa unibersidad kita gagawing punching bag!” Natatawa niyang wika dito.
Paglabas niya ay nakita niyang kausap nina Chino at Lloyd ang ama ni Wilmar, napabuntong-hininga siya dahil sa klase ng tingin sa kanya ni Chino ay mukhang may hindi na naman magandang sinabi ang Ama ni Wilmar.
“Let’s go?” Nakangiti niyang tanong sa dalawa, nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng kotse at inunahan na ang gagawing panenermon ng may-ari ng gym. Alam naman niyang tungkol iyon sa punching bag na nasira niya.
“May nakalaban ka raw?” bungad na tanong ni Lloyd sa kanya nang makasakay ang mga ito sa loob ng sasakyan.
“Yup. Walang bago, ganoon pa rin. I win,” sagot niyang nagkibit ng balikat.
“Tanghali pa lang wala ka na sa Campus, tinatawagan ka naming sa telepono mo ngunit hindi mo sinasagot,” wika naman ni Chino na nilingon pa siya.
“Alam niyo namang off-limits ang cellphone kapag oras ng laban, di ba?” saad niya. “Teka nga, diretsuhin niyo nga akong dalawa, ano bang meron at ganyan ang mga mukha niyo?” Nanliliit ang mga matang tingin niya sa mga ito.
Ngumisi si Lloyd ngunit hindi nagsalita, ganoon din si Chino. Nagsimula itong buhayin ang makina ng sasakyan at umalis na sila doon.
“Hindi ko alam kung alam mo na ang balita sa buong campus pero inanunsiyo nang magkakaroon ng audition para sa mga bagong Elite Students, and guess what? Inilagay naming ang pangalan mo sa—aray naman!” Napahawak si Lloyd sa ulo nito ng malakas niya itong batukan. “Bakit mo ako binatukan?”
“Pasalamat ka at, binatukan lang kita. Anong sinasabi mong inilagay mo ang pangalan ko? Baliw ka ba?” inis na wika niya rito.
“Aba naman, Via Bianca, pagkakataon mo na ito. Makakapagsayaw ka na ulit, baka nga mabuo pa ang grupo natin kapag nagkataon,” sabad naman ni Chino na nasa daan pa rin ang tingin.
“Not interested,” sabi niya at sinabayan ng hikab.
“Yay, huwag kang ganyan, woi. Ayaw mo na ba talagang sumayaw?” tanong sa kanya ni Lloyd.
“Nah. I prefer punching your faces than dancing with you,” nakangising wika niya, ngunit sa loob-loob niya ay iba ang sinasabi ng puso niya.
Sininghalan lang siya ni Lloyd at hindi na siya kinausap. Tumingin siya sa labas ng bintana. Mag-aalas singko na ng hapon at eksaktong labasan pa lang ng mga estudyante.
“Kumusta ang unang araw mo bilang Senior High Student?” tanong sa kanya ni Lloyd.
Napasimangot siya ng maalala ang dalawang ka-grupo ng dalawa na nambuwiset at sumira sa araw niya. Sa inis niya ay nasipa niya ang likuran ng upuan ni Chino, gumewang ang kotse dahil sa pagka-gulat ni Chino, mabuti na lamang at hindi mabilis ang pagpapatakbo nito at hindi ganoon karami ang kotseng dumadaan sa lugar na iyon kaya ligtas pa rin sila.
“What the hell is your problem, Biyang! Nakakagigil ka ah, ikaw pa magpapahamak sa atin eh,” sita nito sa kanya.
“May sumira nga talaga sa araw mo kaya ka nag-skip ng class mo ngayong araw.” Naiiling na wika ni Lloyd sa kanya.
Inirapan niya ito. “Iyong dalawa niyong ka-grupo, classmate ko at ang pinaka-masama pang nangyari sa akin ngayong araw ay silang dalawa pa ang katabi ko,” nakalabing pagku-kwento niya sa mga ito.
“Woah! Hindi nga? So, totoo palang magkaka-klase tayo?” Natutuwang wika ni Lloyd, nang tingnan siya nito ay nakita niyang kumislap ang mga mata nito na parang nakakita ng isa sa mga paborito nitong pagkain.
Napangiwi siya. “Tayo? Huwag mong sabihing pati kayo ay kaklase ko rin?”
Nakangiti itong tumango. Biglang gumuho ang mundo ni Via at wala siyang nagawa kundi ang mapalatak. “This is the worst thing happen in my entire life. Baki nagbago na naman ng sistema ang Unibersidad na iyan! Okay na ako nang hindi ko kayo nakikita lagi, bakit kailangan pang mangyari ito gayong huling taon ko nang makakasama kayo,” nakasimangot niyang tugon.
“Ang sakit mo naman magsalita,” wika ni Chino. “Parang ayaw mo na kaming kasama, ah”
“Kung puwede nga lang eh,” pang-aasarniya pa sa pinsan niya.
“Kaso hindi nga puwede kaya magdusa ka,” nakangisi nitong saad sa kanya at tumawa ng malakas.
Wala siyang nagawa kundi singhalan lang ito ng tingin, tama naman kasi ito dahil kahit san siya pumunta ay susunod ang mga ito sa kanya. Iyon ang binitiwan nilang pangako sa kanya Iyon ang binitiwan nilang pangako sa harap ng puntod ng kanyangmga magulang.
Nang makarating sila sa bahay nila ay hindi na sumamang pumasok si Lloyd dahil may rereview-hin pa raw ito para sa nalalapit na Science Compitition ng grupo nila sa East University.
Bago ito umalis ay lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya at natigansiya sa sinabi nito. “Please bring back the girl that we know. We missed her, badly.”
Kaagad itong umalis sa harap niya at patakbong lumabas ng gate.
“O, natulala ka na diyan, may sinabi na naman bang kalokohan sa’yo ang bestfriend mo?” tanong sa kanya ni Chino at dinunggol siya sa balikat.
“Shut up,” sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya ang kanya Tita na naghahanda nan g hapunan nila.
Inihanda niya ang magandang ngiti nang lumapit siya rito. Isinantabi niya ang kanina lang na lungkot sa sinabi ni Lloyd, siguro nasanay na rin siya sa ginagawa niyang pagtatago ng totoong nararamadaman niya kaya nakakaya na niyang baguhin ang emosyon niya sa isang iglap lang.
“Hi, Tita, mukhang masarap ang niluluto mo, ah,” masiglang bati niya at lumapit siya rito para humalik sa pisgi.
“O, anak, ikaw na pala iyan! Nagluluto ako ng afritada, di ba paborito mo ito?” nakangiting wika nito sa kanya.
“Hmm.” Inamoy niya ang usok na galling sa niluluto nito. “Mukhang mapaparami yata ang kain ko ngayon,” nakangiting wika niya rito.
“Aba, dapat lang! Kailangan mong kumain ng marami para lagi kang malakas,” wika nito.
Pumasok si Chino at lumapit sa kanila. “Ma, huwag mo nang masyadong pakainin iyan, at baka mas lalong lumakas para manggulpi,” sabi nito.”
“Ha? Bakit, may ginugulpi ba itong si Via?” taking tanong ng kanyang Tita.
Inapakan niya ang paa ni Chino at impit naman itong napasigaw. “Okay ka lang ba? Napa'no ka, Chino?”
“Wala ito, Ma, don’t worry.” Nakangiwing wika nito at tiningan siya ng masama.
“O siya, magbihis na kayong dalawa at nang makakain tayo ng maaga. Kailangn kong maagang matulog ngayoon dahil may zumba kami ng mga kapitbahay naming sa may Sports Arena, diyan lang sa kanto,” wika nito at itinulak silang dalawa palabas ng kusina.
“Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo,” mahinang wika niya rito.
“Bakit, hindi ba totoong may ginugulpi ka lagi? Tingnan mo naman ginawa mo sa akin?” malaks na saad nito.
Babatukan niya sana ulit ito nang mabilis itong umakyat ng hagdan at iniwan siya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin siyang umakyat sa kanyang kuwarto, kiunuha niya ang kanyang sketchbook at maging ang kanyang laptop. Balak niyang ilipat ang mga nai-drawing niya sa sketchbook sa kanyang laptop.
Isinalpak niya ang kanyang earphone sa magkabila niyang tenga at nagsimula nang mag-drawing gamit ang adobe photoshop. Nang tumigil siya sa pagsasayaw ay isa sa mga nadiskubre niya pang talent ay ang pag-drawing kaya naman nag-aral siya nang graphic designing at digital arts sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga tutorials sa youtube. Nang matuto siyang gamitin ang mga natutunan niya ay nagsimula na siyang magdrawing.
Lahat ng mga ala-ala nila ng kanyang mga magulang ay iginuhit niya, maging ang kanyang kuya ay iginuhit na rin niya.
Gumawa siya ng isang files at doon niya iniipon ang mga nagagawa niyang digital arts, at nang masanay na siya ay halos lahat ng nangyayari sa kanya araw-araw ay hindi puwedeng hindi niya gawan ng digital arts. Kakaiba nga kung tutuusin ang libangan niya dahil ang iba ay hindi magti-tiyagang gawin ang ginagawa niya.
Kung gusto ng iba ng alaala mula sa mga nangyayari sa buhay ng mga ito ay meron naman camera para kumuha ng litrato, ngunit para sa kanya ay napaka-boring niyon gawin.