KABANATA 83 Nagising si Via sa pakiramdam na parang may nagmamasid sa kanya, pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nabungaran niya ang guwapong mukha ni Russell na nakatingin sa kanya. “Good morning, Vebs.” Nakangiting saad nito. Kinusot niya ang kanyang mga mata at napangiwi dahil sa biglang pagsakit ng kanyang ulo at ang ibabang parte ng katawan niya. “Anong oras na?” tanong niya rito. “Alas siyete ng umaga,” tipid na sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “How are you?” tanong nito. Sinimangutan niya ito. “Naasar na ako sa tanong mo na iyan, ah, kagabi ka pa!” Naiinis na singhal niya rito. Simula nang may mangyari sa kanila kagabi ay maya’t-maya ang tanong nito sa kanya. Ilang beses na niyang sinabi rito na okay lang siya at kaya niyang

