KABANATA 82 Ilang sandali pa ay pare-pareho na silang lasing kaya naman nagdesisyon na si Kuya Daryll na magpahinga na silang lahat, halata na rin naman kasing marami na silang nainom. Dahil alalay lang naman ang inom ng mga lalaki ay nagawa ng mga itong ihatid ang mga kaibigan niya sa mga tinutuluyan nitong kuwarto, pagkatapos ay saka lang nagsibaba ang mga ito. Huli silang pumasok ng kuwarto nila dahil minabuti ni Russell na ipagtimpla muna siya ng mainit na kape para kahit papaano ay mahimasmasan siya. Nakainom nga siya pero hindi siya lasing, inaalalayan kasi ni Russell ang pag-inom niya at minsan ay pasimple nitong tinatapon ang alak na para sa kanya. “Inumin mo muna ito bago tayo matulog,” anito. “Hindi kape ang kailangan ko, Russell. Ang init na nga ng pakiramdam

