KABANATA 81 “Great! That’s it! Good job guys!” Tuwang-tuwa na wika ni Kuya Daryll nang matapos ang huling ensayo nila. Nagtatalon ang mga kaibigan niyang babae at pati sila ay naging excited dahil sa magandang kinalabasan ng ilang araw nilang pag-eensayo sa gitna ng karagatan. Parang kailan lang nang sumakay sila sa yateng iyon at naglibot sa buong karagatan ng Subic Bay. “Too bad, we need to go back tomorrow,” malungkot na saad ni Stephanie. Umiling naman siya. “Hindi naman ibig sabihin niyon magtatapos na rin ang masasayang araw natin.” “Oo nga naman, puwede ka namang bumisita sa gym kung gusto mo akong makita.” Nakangising hirit ni Wilmar. “Yuck! Layuan mo ang kapatid ko, Wilmar! Allergic iyan sa malalandi, gusto mo bang masipa katulad noong lalaki na nasipa n

