KABANATA 51 Napangiwi si Zellea nang maramdaman ang malagkit na pakiramdam sa likod niya. Bakit ngayon pa? Wala siyang dalang extra at nagkataon pang wala ang dalawang babaeng kaibigan niya! ‘s**t! Anong gagawin ko?’ tanong niya sa kanyang isip. Dahan-dahan siyang tumayo at mas lalong napangiwi at nangamba nab aka may tagos na ang suot niyang skirt. Nasa library siya ngayon at iniisip niya kung paano siyang makakalabas doon nang walang makakapansin sa kanya, nangangamba siya nab aka may stains na ang suot niya. Nagliwanag ang mukha niya nang makita si Dyke na papasok sa library, agad niyang itinaas ang kanyang mga kamay upang mapansin siya nito at nagtagumpay naman siya. Nakangiti itong lumapit sa kanya. “Hi!” anito. “H-Hi,” sagot niya. “May problema ba? You don

