KABANATA 61 “Ay palakang mukhang kalabaw!” Agad na naghiwalay ang mga labi nila nang marinig ang boses na iyon ni Stephanie. Ilang sandali lang ay sabay na naglitawan ang mga ito mula sa likuran ng batong sinasandalan nila. Napapalatak siyang humalukipkip at tinaasan ng kilay ang mga kasama. “Hindi niyo baa lam ang ibig sabihin ng salitang privacy?” “Pasensiya naman, na-curious lang kung paano magtapat itong si Dyke.” Nakangising wika ni Lloyd. “Alam mo na, sa aming lahat siya ang pinaka-maingay.” Narinig niya ang pagsinghal ni Dyke kay Lloyd. “Ngayong okay na kayo, siguro naman puwede na tayong bumalik sap ag-eensayo?” patay-malisyang saad naman ni Via. “Ugh! Killjoy! May naiinggit,” parinig na wika ni Rosalie. Ngumisi si Via. “Sinasabihan mo ba ang sari

