KABANATA 60 Pagkatapos nang masinsinan nilang pag-uusap ay lumabas na sila para tingnan kung ano na ang ginagawa ng mga boys. Nasa hagdan pa lang sila ay nalalanghap na sila ang mabangong amoy ng sinangag na maraming bawang. “Bigla akong nagutom,” ani Drea at hinamas pa ang sariling tiyan. “Sino kaya ang nagluluto?” tanong naman ni Rosalie. “Hindi iyan si Russell.” Kibit ang balikat na sagot agad ni Via. “Eh? Paano mong nalaman?” Nagtataka namang tanong ni Stephanie. “Hindi siya mahilig kumain ng sinangag,” simpleng sagot ni Via. Dinunggol niya ito sa balikat. “Mukhang kilala niyo na ang isa’t-isa, ah. Totoo bang wala pang nangyari sa inyo?” Pinanlakihan siya ng mata ni Via kaya nagtawanan lang sila. Ngayon niya lang ulit nakitang namula ang pisngi ng kai

