KABANATA 59 Maagang nagising si Zellea kinabukasan at kumunot ang noo niya nang makitang hindi nila katabi si Via. Pagtin gin niya sa wall clock ay nakita niyang alas singko palang ng umaga, dahan-dahan siyang bumaba ng kama at tahimik na lumabas ng kuwarto. Sinigurado niyang hindi makapag-ingay para hindi magising ang iba pa niyang kaibigan. Tahimik pa ang buong paligid, mukhang tulog pa ang lahat, bababa n asana niya nang makitang nakabukas ang Entertainment Room, napingisi siya dahil baka naroon sina Via at Russell. Dahan-dahan siyang naglakad papunta doon at maingat na binuksan ang pinto. Tahimik ang kuwarto at nakita niyang mahimbing na natutulog ang dalawa… na magkayakap. Dahan-dahan siyang humakbang paatras at nang haharap na siya sa may pinto ay muntik pa siyang mapa

