KABANATA 71 Simula nang pag-amin niya kay Lloyd na crush niya ito ay hindi na siya tinantanan pa ng binata. Para bang lumalim ang pagkakaroon nila ng Mutual Understang, hindi siya nito nililigiwan ngunit ramdam naman niya ang kakaibang pag-aalalaga nito sa kanya. Natapos na ang graduation nila at sa susunod na buwan ay enrollment na naman nila. Senior High na siya! Sa wakas! Isang taon na lang at nasa kolehiyo na siya! Tumunog ang kanyang telepono at napangiti siya nang makita ang pangalan ni Lloyd sa kanyang screen. “O, bakit?” tanong niya. “Grabe naman iyan! Wala man lang hi, o hello mula sa ’yo? Kumusta na ang guwapong sarili ko? Kinakaya pa ba ang sangkaterbang nire-review para sa mga susnod na quiz bee?!” anito. Malakas siyang napatawa dahil ramdam niya sa bose

