KABANATA 72 PRESENT… Naguguluhan pa rin si Lloyd kung bakit siya biglang gustong kausapin ni Via at bakit kailangang lumabas pa sila ng bahay sa ganitong oras ng gabi. “Hoy, Biyang! May kasalanan ba ako sa ’yo? Bubugbugin mo rin ba ako katulad ni Chino?” tanong niya sa dalaga. Hindi ito sumagot kaya mas lalo siyang kinabahan nab aka ay tama siya ng hinala. Pero bakit naman siya nito bubugbugin, may nangyari ban a naging kasalanan niya bigla? Iniisa-isa niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw at inaalala kung may nagawa siyang mali ngunit kahit anong piga niya sa kanyang utak ay wala siyang maalalang kahit ano. Huminto sila malapit sa may dalampasigan saka lang niya napansin ang pamilyar na likod ng babae na mag-isang nakatingin sa kawalan. “Gusto kitang

