KABANATA 93 Pagmulat ng mga mata ni Via ay nakita niya agad ang nakatunghay na mukha ni Russell, tinakpan niya ang kanyang mukha at sumiksik sa dibdib nito. “Good morninggm” sabi nito sa kanya. “Anong oras ka nagising?” tanong niya rito. “One hour ago,” sagot nito. Napatingin siya rito at kunot ang noong nagsalita. “Bakit ang aga mo namang magising?” Huminga ito ng malalim at niyakap siya ng mahigpit, at dinantayan. “Hindi lang ako makapaniwalang dito ka na talaga titira kasama ko.” Napangiti siya at hinaplos ang braso nito. Kagabi pagkatapos nang pag-uusap nila ng kanyang Kuya ay nagpaligsahan pa ang dalawa kung sino ang mas masarap magluto. Katuwaan lang naman pero iyon na yata ang pinakamasayang gabi sa buong buhay niya. Masaya siya dahil nagkaroon siya

