KABANATA 92 “Gaano mo kamahal ang kapatid ko at paano ko panghahawakan ang mga sinasabi mo ngayon? Kasi sa totoo lang ay hindi ako kumbinsido sa mga sinabi mo.” Huminga ng malalim si Russell at tumingin muna sa kanya bago tumingin ulit sa kanyang Kuya. “Mahal ko po si Via at alam kong hindi pa sapat ang mga ginagawa ko para patunayan ko ang sarili ko na karapat-dapat sa kanya, pero kung bibigyan niyo ako ng pagkakataon na patunayan pa ang sarili ko at ibigay ang tiwala niyo sa akin ay gagawin ko ang lahat ng mga sinabi ko. Hinding-hindi ko magagawang saktan ang kapatid niyo dahil unang-una ikamamatay ko kapag nakita ko siyang umiiyak at nasasaktan,” anito. Hindi niya alam kung bakit pero naiyak siya sa mga sinabi ni Russell, damang-dama niya kasi ang senseridad ang kaseryos

