KABANATA 53 “Napag-isipan niyo na ba ang susunod na gagawin niyo sa round 2 ng Dance Competition?” tanong ng kanilang coach sa kanila. Ipinatawag ulit sila nito para pag-isipan ang susunod na concept dahil sa susunod na buwan ay mapapasabak na naman sila sa finals. “Hindi ba puwedeng pagbalik na lang naming galling sa bakasyon, pag-usapan iyan?” ungot ni Lloyd na humilig sa balikat ni Drea. “You need to practice more para walang masabi ang mga judges, ginalingan niyo nang unang round, siyempre aasa ang mga iyon na mas kakaiba ang gagawin niyo ngayon,” sabi ni Kuya Daryl. “How about an intimate dance? Zellea and Dyke can lead us.” Nakangising wika niya at tinapunan nang makahulugang tingin ang dalawa. “Hey!” agad na protesta ni Zellea. “Bakit kaya hindi niyo gawi

