KABANATA 46 “Ready guys?” tanong sa kanila ni Kuya Daryl. Nagkatinginan silang lahat bago sabay-sabay na tumango. Ito ang araw kung saan sila unang sasayaw para sa kanilang unibersidad. Huminga siya ng malalim at sinulyapan ang dalawa niyang kaibigan, isang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman ni Zellea ang katotohanan at aaminin niyang nassaktan pa rin siya para sa dalawa, ngunit kung totoo ngang magkapatid sina Chino at Zellea ay kailangan na nilang tanggapin iyon. “Kailangan ba talaga iyan ang suot mo?” Narinig niyang tanong ni Russell sa kanya. Inirapan niya ito. “Huwag kang makulit, Russell, paulit-ulit ka na naman.” “Puwede mo naman kasing suutin ng maayos ang t-shirt na iyan at itupi. Hindi iyong ganyan na kapag iniangat mo ang kamay mo ay makikita an

