KABANATA 47 “Bianx, okay ka lang ba talaga?” tanong ni Wilmar sa kanya. Isinara niya ang kanyang locker at tumango. “Oo naman, mukha ba akong hindi okay?” “Kung okay ka, bakit mo tinaggap ang offer ni Daddy sa’yo? Tatlo ang makakalaban mo ng sunod-sunod, at hindi okay iyon!” galit na wika nito sa kanya. Nagbuntong-hininga siya. Wala naman kasi siyang problema at higit sa lahat masaya siya sa mga nagaganap sa buhay niya ngayon. Maganda ang nagiging takbo ng relasyon nila ni Russell, hindi man sila opisyal ay halata namang parehas ang kanilang nararamdaman sa isa’t-isa. Hindi man naayos ang gusot nina Chino at Zellea at least ngayon ay pormal na silang nag-uusap, hindi man madalas at least they are in good terms. Sadyang may epal lang talaga na ayaw siyang tantanan at

