KABANATA 48 “Alam mo, tama si Dey, mali an gusto mong gawin. Isip na lang tayo ng ibang paraan.” Pinandilatan niya si Via, nagdarasal na makuha nito ang gusto niyang sabihin ngunit bago pa man makapagsalita ang kaibigan niya ay muling nagsalita na si Diego. “No, I need to know why my Dad is here. Wala naman siguro siyang katatagpuin na ka-meeting dito and as far as I know, wala siyang condo rito,” seryosong wika nito at naglakad papasok sa loob ng gusali. ‘s**t, patay na!’ ani Zellea sa kanyang utak. “What’s happening? Bakit mo ‘ko pinigilan, di ba ito naman ang gusto mo?” tanong ni Via sa kanya. “Huwag muna iyon ang pag-usapan natin, I need to take Diego away from here,” mahina niyang turan dito. “What? Why? He needs to know the truth.” Kibit-balikat na saad ni

