KABANATA 49 “What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Diego sa ama. Huminga ng malalim ang kanyang ama at nagsalin muna ng alak bago nagsalita. “Sapilitan ang kasal na naganap sa pagitan namin ng Mommy mo. Isang arrange marrange na naging tradisyon na ng pamilya ng mommy mo, pinilit nila ang mga magulang ko para sumang-ayon na ipakasal sa kanilang nag-iisang anak. Natipuhan ako ng Lolo mo dahil sa sipag ko at pagiging responsible pagdating sa mga negosyo, kaya naman ino-fferan niya ang mga magulang ko at iyon na nga ang kompanyang parehas naming pinagsumikapan ng Mommy mo.” Gulat man ay nanatili siyang tahimik at nakikinig dito, saka na niya huhusgahan ito kapag nalaman na niya ang buong kuwento. “Alam ng mga magulang ko na may girlfriend na ako at matagal na kaming may rel

