KABANATA 12 Alas singko nang magising ang kanyang Tita ay nagising din si Via, gusto niyang samahan ito sa pagsu-zumba nito at hindi naman siya nito pinigilan. Ang problema nga lang ay kung paano siya kukuha ng mga damit na hindi magigising ang mga natutulog sa kanyang kaibigan. “Bahala na,” sambit niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto at nang mabuksan iyon ay muntik na siyang mapasigaw nang makitang gising na ang dalawa at nagtatakang nakatingin sa kanya. “What are you doing?” tanong niya. “Balak naming sumama sa zumba ni Tita, ikaw din ba?” Nakangiting tanong ni Zellea. Tumngo siya at dumiretso sa kanyang closet para kumuha ng jogging pants at t-shirt ngunit bago pa makadapo ang kamay niya sa t-shirt ay malakas na iyong

