KABANATA 13 “May gusto ka ba sa akin?” Natigilan si Dyke sa deretsong tanong na iyon ni Via sa kanya. Hindi agad siya nakahuma sa tanong nito at nanatili lang nakatingin dito. Napaismid ang dalaga. “By the looks of it, hindi ka sigura sa feelings mo, pero kung ma-realize mong gusto mo ako ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yong pigilan mo na iyan kasi wala akong oras para sa kalokohang iyan.” Natawa siya sa pagiging prangka ni Via. Sa una pa lang talaga na makita niya ito ay alam niyang iba na ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi naman ibig sabihin niyon na may gusto na nga siya sa dalaga. Posibleng naaaliw lang siya rito at gusto niyang makipaglapit dahil gusto niyang maging kaibigan nito. “From the looks of it, mukhang basted agad ako.” Umiiling n

