KABANATA 14 Abot hanggang tenga ang ngisi ni Via nang makitang nahihirapan na si Russell sa pagbitbit ng mga pinamili niya. Natalo ang mga ito sa paramihan nila ng ticket, ngayon nagdurusa ang mga ito dahil said ang mga allowance nila dahil sa katangahan ng kaniyang pinsan, maliban kay Dyke. “Wala pa ba kayong balak umuwi?” Nagrereklamong tanong ni Wilmar. “Nag-eenjoy pa kaming maglibot sa Mall, bakit ba?” Nakangising pang-aasar niya sa lalaki. “Bala puwedeng magpahinga naman, kayo kaya ang magdala ng mga pinamili niyo nang malaman niyong nakakapagod ang paikot-ikot dito sa Mall,” nakasimangot namang sambit ni Lloyd na may dala sa mga pinamili ni Drea. “Tapang-tapang niyong maghamon at mang-asar kanina pero puro kayo reklamo ngayon.” Nakakibit ang balikat na

