CHAPTER 48 NAKAPIKIT pa rin ang aking mga mata ng maramdaman ko ang kanyang mga labi na gumalaw mula sa aking labi. Hindi ko mapigilang sumunod sa kanyang mga halik na tila parang inilulunod ako mula sa kanyang halik. Halos parang ilabas ng aking tyan ang mga paro-parong nag-sisilipadan sa aking kaloob-looban. Mariin niyang hinawakan ang aking pisngi habang hinahalikan pa rin ang aking labi habang ako ay nakaupo pa rin sa aking upuan at siya naman itong naka yuko habang ang kanyang mga labi ay nasa sa’kin pa rin. Rinig ko pa rin ang putukan na mayroon sa labas ng bintana namin na mas nagpapaganda ng halik na ibinibigay niya. Matapos niya akong halikan ay agad niyang idinikit ang kanyang noo sa akin at doon ko naman binuksan ng unti-unti ang aking mga mata. Na siya naman ngayon ay naka p

