Chapter 47 KABA ang nanunuot sa aking katawan habang kasama ko ang lalaking ito sa loob ng ferris wheel. Hindi ko ma-isip kung bakit siya sumama sa akin kahit na alam ko naman na hindi niya ako gusto kasama at ang gusto lang nitong makasama ay walang iba kundi ang kanyang girl friend na lampa. Masama pa ugali, tss. Hindi ako makatingin sa kanya habang siya naman ay gano’n rin, dalawa kaming nag-lalayuan nang tingin dahil sa kahihiyan siguro na dala naming dalawa, sino ba naman kasing tanga ang sasama sa’kin sa loob habang siya naman kanina ay sinabi niyang ayaw niyang sumama at ako na lang ang sumakay? Pero heto siya ngayon kasama ko? “A-ano..” nahihirapan akong tanungin siya at kausapin dahil halata naman sa kanya na ayaw niya akong kasama. Tumingin ito sa’kin na tila iniintay ang sa

