Chapter 82 "H-HA?" napairap ako bahagya ng hindi niya pa rin sa akin ibinibigay ang aking hinihingi, paano ko mabubuksan ang locker na 'to kung hindi niya iyon sa akin ibibigay? "Bilisan mo na bago pa maubos pasensiya ko sa 'yo.." rinig ko ang kaniyang paghinga. Mukhang hindi niya aakalaing naririto ako sa harap nang kaniyang locker. "Ano nga?" ulit ko muli, ayoko nang paulit-ulit at nainit ang ulo ko. Kanina pa ako wala sa mood dahil nasira iyon ni Gav, kaya sana naman ay hindi masira ni Shone ang araw ko kahit ngayon lang. "A-ano kasi..." bakit ba hindi niya sa akin masabi? Ano ba'ng mayron rito sa kaniyang locker at ayaw niyang maibigay sa akin ang kaniyang number? Well, alam kong mali na pinipilit kong kunin at buksan ang hindi ko pag-aari. "Hayss.. zero-zero-one-nine," rinig ko

