Chapter 83 “GOOD AFTERNOON, LADIES AND GENTELMAN!” kalmado akong pakinggan ang pagbati ni ma’am sa karamihan ngayong hapon, iniisip ko kung pupunta ba si mommy ngayon. Ngayon ay nakaupo kami sa kanya-kanya naming upuan, katabi ko ngayon si Gav at Shone. “Maraming-maraming salamat sa lahat nang pumunta, kahit na ang hindi naman rito nag-aaral upang tignan ang aming naggagandahan na SHINUNLISTA,” maraming nagsigawan na mga babae, na kahit kami ang tinutukoy ni ma’am ay sila iyong sumigaw. Hindi ba dapat ay kami iyon? Kakaway na ba ako sa kanila? “Ngayon ay magsisimula na tayo! Handa na ‘ba kayo sa naggwa-gwapuhang lalaki at naggagandahang babae na makikita niyo ngayong hapon?” maraming nagtiliian, “Ang ganda mo, babe..” siniko ko naman siya dahil ayan nanaman siya kung maka-babe, “M

