Chapter 84 “GO! WENSY! GO! ANGELO!” tilian ang aking narinig nang lumabas ako, pati na rin si Shone. Madali kaming pumunta sa gitna, hindi maalis ang aking ngiti. Kasali iyon sa ramp, kailangan mong ngumiti para makita nila kung gaano ka kaganda. Iba kasi pagnangiti ka, gumaganda ka. Kaya ngiti lang, para gumanda. Nang makarating ako sa gitna ay kapantay ko na si Shone, “Ang ganda naman ng babe ko..” hindi ko siya pinakinggan, nakangiti pa rin ako sa mga tao na ngayong nasa aming harapan. Lumakad kami nang kaunti upang mapunta sa gitna muli at nag-pose, hawak-hawak ko ang aking taco habang nasa kabilang kamay ko naman ay ang bola. Siya naman itong naka boxing gloves, kitang-kita sa kanya ang gandang katawan nito. “Wah! Angelo! Anakan mo ko!” “Orosco! Buntis ako!” “Wensy!

