HALOS sumakit ang ulo ko kaka-alog dahil sa kaka-bangga sa’kin ng kotse, halos tawanan ang na-buo ng matapos ang aming oras kaka-bangga. Hindi ko matatago na masaya akong nakasama muli sila ng ganito kami ka-saya. “Taenang Jacob ‘to, akala mo professional sa bumper car. Nag-dri drift pa!” na-buo nanaman ang tawanan naming mag-kakaibigan ng sabihin iyon ni Vessai. Paano ba naman kasi ay akala mo nasa isang racing ito si Jacob kung maka-andar kahit iisa lang naman yung bilis ng sasakyan naming lahat sa bumper car ay akala mo naman na-iiba ang kaniya kung maka-drift. “Saan naman next? Ang dami pang di natin na sasakyan saka maaga pa naman,” tungo-tungo naman akong sumang-ayon kay Vessai dahil tama naman siya. “Kumain na ‘ba kayo? Ako hindi pa..” tanong ni Den ng tignan ko ang aking relo na

