CHAPTER 40 HINDI KO ALAM kung ano ang naramdaman ko ng mangyari iyon. Ang yakap niya’y naririto pa rin sa aking likod at nararamdaman ko pa rin iyon. Halos hindi ako maka-hinga sa nararamdaman ko ngayon, bakit ganito? Bakit parang kaka-iba? Ganito ba ang pakiramdam ng sinusuyo? “I’m sorry, babe.” na pakagat na lamang ako sa labi ng sabihin niya pa iyong muli. Napapikit-pikit na lamang ako ng bumalik sa utak ko ang nangyari. Hindi siya dapat ganito sa akin, hindi siya dapat gani’yan kung umasta sa’kin ngayon dahil una sa lahat ay hindi naman talaga kami at wala akong nararamdaman sa kanya. “T-tumahik ka nga,” “Gusto mo ‘ba ng melkti? Borger? Or prays?” Mabilis akong kumawala sa yakap niya at agad naman itong hinarap. “Ano ‘bang pinag-sasabi mo?! Umayos ka nga!” irap ko sa kanya na

