Chapter 51 TAHIMIK ang byahe habang pauwi na kami, naririto ako sa likod at nasa harap naman ang dalawa. Tahimik kaming naglalakbay pauwi at tila walang nagsasalita at iyon ang hindi ko maintindihan. Kahit ako ay nakatikom lamang ang bibig sa kadahilanang pagkahiya dahil sa nangyari kanina. Kita ko naman ang mga matang itinitingin sa’kin ni Shone sa kanyang salamin roon sa harap. Umusog na lamang ako at tumingin sa bintana, iniisip ko pa rin ang halik na ibinigay niya sa’kin kanina. Ang hirap namang alamin kung may gusto ba siya sa’kin o wala lalo na ngayon na mayroon siya’ng girl friend ngunit heto siya at hinalikan ako. Natural na ba iyon sa kanya? Si Jacob ay tila may ka-text sa kanyang cell phone at si Shone naman ay nag-drive ng kanyang sasakyan. “Nagugutom ka ‘ba?” tanong ni Sho

