Chapter 50 NANLALAKI ang aking mga matang napatingin kay Shone dahil sa kanyang ginawa. Kung kanina ay sinabi kong ako ang gagawa no’n sa kanya ay siya naman itong gumawa sa’kin. “Oy!” hinila agad ni Jacob si Shone papalayo at roon na lamang ako nagulat ng makita ko si Gav na papalapit sa gawi namin habang ang kanyang mga mata ay nandidilim sa sobrang galit. Hindi ko alam kung para saan siya gumagani’yan. Una sa lahat ay hindi naman siya dapat umarte ng gani’yan dahil may girl friend na siya. Pangalawa! Hindi ko naman papaasahin ang kaibigan niya kaya huwag siyang mag-alala. “Ilayo niyo si Shone!” kinabahan ako sa sinabi ni Den na mayroong kalakasan. Hindi ko alam ang aking gagawin nang tignan ko si Gav na papalapit na sa’kin. “Sumabay ka sa’kin.” at madiin niyang hinawakan ang aking

