Chapter 29

1547 Words

29. -- Hindi ako nakatulog no'ng gabing iyon. Paulit-ulit na nagsusumiksik sa utak ko ang mga sinabi ni Elisha. Kaya naman kinabukasan ay lutang akong nag aayos ng gamit. Panay ang mga nakaw na tingin sa akin ni Elisha pero nanatili itong tahimik. Maging sa pag uwi ay patuloy na naglalakbay ang isip ko. Nasa labas lamang ako ng bahay namin ni Luhan at tinatanaw ito. Tila nahihirapan akong ihakbang ang mga paa ko papasok. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako nagdesisyong itulak ang sarili ko papasok ng bahay. "Cresh!" gulat na nakatingin sa akin si Luhan nang marinig ang pagpasok ko sa bahay. Naglakbay ang mga tingin ko mula sa kanya patungo sa magulong sala. Nagkalat ang mga bote ng beer roon. Pigil ang hininga ko 'yong pinagmasdan bago ako marahang napabuntonghininga. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD