Chapter 30

1669 Words

30. -- Maraming nagsasabi na huwag ka raw basta-bastang gumawa ng desisyon kapag galit ka. Kasi baka pagsisihan mo 'yon. At sa tingin ko'y isa ako sa nagpapatunay na tama nga 'yon. Dahil no'ng lumabas si Luhan ng kwarto namin at hindi ko na siya nakita ay agad akong nagsisi kung bakit nakipaghiwalay ako sa kanya. Pero tama nga bang magsisi ako? Kung alam ko naman sa sarili kong hindi na talaga kami masaya. Nang makilala ko si Luhan, biglay ay sa kanya na umikot ang mundo ko. Masyado ko siyang mahal na sa lahat na lamang ng pagkakataon ay siya ang nais kong makita at makasama. Sobrang mahal ko siya na kahit pa hindi pa kami tapos sa pag-aaral at wala pang paninindigan sa buhay ay nakipagtanan ako sa kanya. Ang akala ko noon ay tama ang naging desisyon naming magtanan at ipaglaban ang pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD