Simula
Pagpasok ko sa loob ng bar I was welcome with a loud music and noisy people. Nagpunta naman agad ako sa bar counter and when the bartender noticed me, I ordered.
“I would like to have tall Vodka cranberry please,” sabi ko.
The bartender made it right away.
I was in the middle of observing my bullies when a man approached me.
“Are you alone?” Pinakita ko naman sa kanya ang singsing na suot ko.
“I’m sorry I am married,” I said para lubayan na niya ako.
“I see the ring but I don’t see your husband,” sabi niya. He started to get touchy and I don’t like it. Binawi ko ang kamay ko na nakapatong sa counter na hinawakan niya.
“A beautiful wife like you shouldn’t be left alone in a place like this,” dagdag niya pa.
“Thank you for the concern but sorry my husband is just around and I am telling you he is a possessive type,” sabi ko naman.
My non-existent husband is possessive LOL, that's funny.
The guy doesn’t even care, he then continue to flirt and I hate it. Minabuti ko na madaliin na ubusin ang inumin ko para maka alis na.
“I will buy you another shot." Offer niya pa pero desidido na ako na iwanan siya. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod pa.
Umakyat ako patungo sa second floor ng bar na ito. I settled in a dark corner holding a glass of wine na kinuha ko sa isang nagiikot na waiter kanina. This is a nice spot actually, kitang kita ko ang nagsasayang Ivy together with my other bullies.
Ganyan nga magsaya kayo dahil sa mga susunod na araw ay guguluhin ko ang buhay niyo because I am back, Sol Venice Franchesca Gil is back!
Pagkalipas ng ilang minutong pagsasayaw ay nagkagulo sa ibaba. Ivy Madrigal is having a cat fight and as expected the knight and shining armor came running to save the damsel in distress.
What a sight. Ang kaninang matapang na Ivy ay naguumiyak sa bisig ni Magnus Hyde. Kung ang iba ay kinikilig, ako naman ay natatawa. CLOWNS!
After that commotion ay nakapagdesisyon ako na umuwi na, nakasalubong ko pa ang ilan sa mga bully ko but they seem not to recognize me.
“Ano ba tumingin ka nga sa dadaanan mo,” sabi ni Avyanna ng nabanga ko siya. Inisin nga natin saglit. Lumapit ako sa kanya at binulungan siya.
“Next time pag nakita mo ako na dadaan, tumabi ka huh.” Sa galit niya ay sasabunutan niya sana ako, pero bago niya pa ako mahawakan ay napalibutam na ako ng mga bouncer. Napaatras naman siya at ang mga kaibigan niya.
“Nah, ah ah, you can’t touch me,” sabi ko with hand gesture pa 'yon ah. You cannot lay a finger on me because you are in my territory.
“Where is the manager of this bar! I will report this b***h over here,” nanggagalaiti niyang sigaw sabay turo sa akin.
“Why look for the manager when you are already facing the owner?” Yes ma'am, I am the owner of your favorite bar. I am the owner of the Lioness, you are currently in my den, and you're one of the preys. Nakita ko ang mas nainis niyang expression but I have to go.
Without ado ay tinalikuran ko siya, not interested of what she is about to say. Lumapit naman agad ang valet para ibigay ang susi ng kotse ko. Pinatunog ko naman alarm nito.
"My lambo baby," sabi ko sa sarili ko. Saka ako nagmaneho ng mabilis.
“Good morning,” salubong na bati sa akin ni Apollo.
“Is my gown ready?” I am referring to the gown na isusuot ko sa reunion.
“Yes, of course, ma’am. I will have it delivered to you tonight.”
“Okay, thank you,” sabi tapos iniwan ko siya kasi may another big costumer na naman siya na inasikaso.
“What are you doing here?” Sabi ni Eve ng pumasok ako ng walang katok sa opisina niya.
“Check ko sana 'yong gown,” sabi ko saka dumeritso sa tanggapan ng kaniyang opisina.
Inilagay ko ang bag ko sa mesa at umpo ng naka dekwatro sa couch na nasa opisina niya.
“So, have you seen it?” Sabi niya habang busy siya sa laptop niya ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
"Not yet, I changed my mind. Gusto ko pala na ma sorpresa.” Then her secretary came, may dalang tsaa at nilagay niya ito sa table ko.
“Okay ikaw bahala,” sabi niya then tiningnan niya ako. “I have heard that you made a little commotion sa bar mo kagabi.”
“Mabilis kumalat ang balita huh,” sabi ko naman sabay inom ng tsaa.
“Yeah, that actress s***h model, Angela had taken that as a big deal, nagkakalat ngayon sa social media.”
“Let her be,” sagot ko sa kaniya. Nailing naman siya.
“She’s asking if someone knew the owner.”
“As if may nakakakilala sa akin. Edi laking takot niya kapag nalaman niya na ang nagmamay-ari ay patay na, hindi ba?” Sagot ko sa kaniya sila pa nga 'yong dahilan kung bakit ako namatay.
“Ano bang plano mo?” Curios na tanong ni Eve.
“Nothing of course.” Nakita ko naman ang pakunot ng nuo niya. Nothing for now hindi pa ako nagsisimula.
Nandito ako ngayon sa harap ng isang resort. Dito ako pumunta pagkatapos ko sa opisina ni Eve kanina. Chineck ko lang if the resort is doing well. May tiwala naman ako sa mga managers ko it just that kailangan ko lang din I visit ito.
“Ma’am dito ho ba kayo matutulog ngayon? Para ma book ko na kayo sa isa sa mga presidential suite, kapag mamaya pa kasi baka mapuno na,” sabi ng manager ko, nasa front desk kami ngayon nag-uusap.
“No, uuwi rin naman ako sa amin, no need to do that.” Tumango-tango naman siya.
“I’ll just head out para matingnan ang papalubog na araw.”
“Do you need something po ba? Ipapadala po namin.”
“No need, uuwi rin naman ako paglubog ng araw.”
Tinahak ko nga nag daan patungo sa beach. Naupo ako sa isang sun lounger. Napaka weird ko sigurong tingnan kasi I am the only person na nandito sa beach na naka corporate attire.
I’ve been to so many beaches abroad pero iba talaga ang beach sa pinas, siguro dahil ito ang home country ko, I don't know. I was thrilled to see the setting sun. Ginugol ko lang talaga ang oras ko para tingnan ang papalubog na araw. The sun has set, kadiliman lang ang namutawi but one thing is for sure, the sun will be back tomorrow.
"The Sun will return. No, the sun has returned," I said at saka ako naglakad paalis.